Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Gustong-gusto ni Roxanne Guinoo na magpabugbog

Starbuzzer by Liza Endaya

ANG napapanood pala nating ‘pananakit’ ni Rosanna Roces kay Roxanne Guinoo sa teleseryeng ‘Natutulog Ba Ang Diyos’ ay totohanan kaya talagang nagkakapasa ang young star.

“Talagang sinabi ko naman po kay Ms. Osang na hangga’t maari ‘yung totoo talaga. Para isang buhos na lang, hindi na namin ite-take pa nang ilang beses. Worth naman po ang mga bugbog dahil dito nasa Primetime na kami, kaya papabugbog pa ulit ako!” nakangiting kuwento sa amin ni Roxanne.

Dahil mataas na ang rating at napakaraming requests sa pamamagitan ng  phone calls at text ng televiewers na hindi nila naaabutan ang Sine Seryeng ito tuwing alas sais ng gabi, simula nga kahapon, Lunes, July 30, ay 9:30 p.m. na napapanood ang pinakaabangang programa nina Roxanne, Joross Gamboa at Jake Cuenca.

And going back to the bugbugan sa mga eksena, minsan daw ay talagang nagkapasa sa tuhod si Roxanne na ipinag-alala rin ng kanilang direktor na si Direk Jerry Sineneng.

“May isang eksena kasing nagkapasa talaga ng tuhod si Roxanne nang mapahampas siya. Kaya sabi ko, tingnan n’yo kaagad si Roxanne, tumama ‘yung tuhod niya!  Hindi naman ‘yun sinasadya, aksidente lang talaga, mabuti at hindi naman grabe ‘yung nangyari,” kuwento din ni Direk Jerry.

At dahil lalo pang papaganda nang papaganda ang istorya, mas higit pa raw doon ang mga ‘pananakit at pagmamalupit’ na aabutin ni Gillian (Roxanne) kay Patria (Osang).

“Magi-evolved din ‘yung mga bugbog into a different kind of pananakit. Kasi nagdadalaga na si Gillian doon, e, nagbago na ‘yung story. Kaya mas sa puso, sa isip na ‘yung pain,” sabi pa ng mahusay na direktor.

Samantalang in their recent taping lang daw ng ‘Natutulog Ba Ang Diyos’ nalaman ni Roxanne na pang-Primetime na ang kanilang Sine Serye kaya naman kinabahan daw ang young actress.

“Na-shocked ako. Iba kasi ang pressure ‘pag Primetime na, e, di ba? Iba ‘yung treatment, iba rin ang expectation, mas malaki siyempre. Pero pangarap ko talagang magkaroon ng pang-Primetime na programa kaya nagpapasalamat ako sa blessing na ito.”

“At talagang pagbubutihan ko pa para maging worth naman ako sa pagtitiwala ng mga tao at ng management,” pahayag ni Roxanne.
* * *
Nakachikahan namin sa star-studded party ni Tita Cristy Fermin (Belated happy birthday, Tita Cristy!) ang singer na si Erik Santos. Magkasabay na dumating sa Metro Bar ang loveless na si Erik at ang in love na si Vina Morales. Naibalita ni Erik sa amin na tuloy na tuloy daw ang concert nila ng kanyang ex-girlfriend na si Ruffa Mae Quinto ngayong darating na August 4. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

“Okey naman po kaming dalawa, e. Nagkausap na po kami,” ayon pa sa mahusay na singer.

Nilinaw niya na walang kinalaman si Boy Abunda, na manager nilang dalawa,  sa anumang problema nila sa love life. Naintindihan na raw ito ng mga tao kaya masaya na rin ang singer at makaka-move on na siya ng walang alalahanin.

So there…
* * *
Walang  dudang nagmana sa kanyang amang si Mark Gil ang young actor na si Sid Lucero. Dahil sa kanyang husay bilang artista, talagang hindi maitatangging nagmula siya sa angkan ng mga may hindi-matatawarang talento sa pag-arte.

Maging uncle at auntie mo pa ba naman sina Michael de Mesa at Ms. Cherrie Gil, di ba naman?!

Anyway, muling pinatunayan ni Sid ang kanyang angking galing bilang isang anak na nawalan ng ama at naghiganti sa taong umutang sa buhay ng kanyang ama.

Talagang nakakabilib ang pagganap niya sa  masalimuot at makulay na papel bilang isang anak sa ‘ Maala-ala Mo Kaya’ noong Biyernes ng gabi sa Primetime Bida. Kung saan nakasama niya ang mga de-kalibreng artistang sina Ronnie Lazaro at Malou de Guzman on this directorial debut of Dado Lomibao.

Congrats!
* * *
Kasa-kasama si Desiree del Valle ng mga Viva Hotbabes na sina Maui Taylor, Jennifer Lee at Ella V. with Viva Big Boss Vic del Rosario sa bonggang launching ng Smart Mobile TV o myTV na ginanap sa Tent, The Fort noong Biyernes nang gabi.

Kaya we’re just wondering kung isang Viva talent na rin ba itong si Des?

Anyway, maganda ang naging presentasyon ng Smart at ng 360 Media, subsidiary ng MediaQuest Holdings sa launch ng kauna-unahang tunay na TV-phone.

Ang mga paborito ninyong TV shows, mapapanood na sa inyong mga cellphones. Ang myTV ay gumagamit ng mobile TV platform na Digital Video Broadcasting –Handheld o DVB-H kaya’t malinaw ang video signal at stereo ang sound na matatanggap.

Kaya naman anytime and anywhere ay mapapanood n’yo na ang mga 24-hour news channel na CNN, MTV Phils., Cartoon Netwrok, National Geographic Channel, PBO at iba pa!

Panalo di ba?! Nakapag-uwi rin kaya sina Des at ang mga present doong Hotbabes ng N92 unit na may myTV?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: