Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Driver ng ambulansiya todas sa tagtuyot

KAUGNAY ng mainit na panahon at kakapusan ng tubig na nararanasan sa maraming lalawigan sa bansa, isang driver ng ambulansya ang namatay dahil sa heat stroke habang nakikipag-picnic ito sa Isabela nitong nakaraang Linggo.

Batay sa inisyal na ulat, si Jerry Aguinaldo ay bigla na lamang nahilo habang nakikipagkasayahan sa ilang kasamahan nito sa trabaho sa isang ilog sa Bgy. Dabubu, San Agustin, Isabela.

Kasama ni Aguinaldo ang mga kawani ng municipal health office ng San Agustin nang maging biktima ito ng heat stroke.

Ayon naman sa inisyal na ulat na nakarating kay San Agustin mayor Virgilio Padilla, sinubukan umanong i-revive ng mga kasamahan niyang nurses at doktor si Aguinaldo ngunit wala na silang nagawa pa.

Napag-alaman na kaya nagsagawa ng picnic ang mga naturang kawani ay upang kahit papaano ay makaiwas sila sa mainit na panahon na umiiral sa kanilang lugar.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: