Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Bustamante naghari sa Korea

DINOMINAHAN ng Pilipino pool player na si Joven “Shark” Bustamante ang 4th annual Korea International Championship na ginanap sa Seoul Palace Hotel, Seoul, Korea.

Tinalo ng 28-anyos na si Bustamante, na mula sa Bugsy promotion, si Japanese Go Takami (7-3) sa finals nitong Linggo para maibulsa ang top prize na nagkakahalaga ng $7,000 sa event na inorganisa ng Dragon Promotion.    

“Congratulations to Joven Bustamante for showing the world that Filipino are the greatest billiards players. May this help uplift our local billiard industry,” sabi ni Bugsy promotion boss Perry Mariano, na napipintong maging director ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP).

Lubos din ang kagalakan ng asawa ni Joven na si Meljie, “Alam ko kaya niya ‘yun. Masaya kami ng pamilya niya sa kanyang achievement.”

“Nagbigay din ng pahayag si BSCP president Ernie Fajardo, “At last na nanalo din tayo sa international competition. Medyo dried tayo sa Asian tour (Guinness) and I hope more, more wins pa sa mga Filipino pool players natin sa international tourney.”

Si Joven, na naging 2004 Abu Dhabi 8-Ball champion at kilala din sa tawag na “The Giant,” ay kinailangan talunin ang kapwa Bugsy stablemate na si Carlo “Cool” Biado tungo sa kampeonato.

Si Joven ay malayong kamag-anak ni former world no. 1 Francisco “Django” Bustamante na kung saan ay nag-third place din sa 2007 World 8-Ball Championships sa Fujairah, United Arab Emirates sa taong ito. Ang kapwa Bugsy stablemate  na si Ronato Alcano ang nagkampeon habang si Dennis Orcollo naman ang nag runner-up place.

Sina Biado at Bustamante ay nakatakdang dumating kagabi mula sa Korean tour at masasaksihan din sa first-ever Poker Pool Tour sa bansa na tinampukang Sargo’s Pool Classics na gaganapin sa Bugsy Lair’s Pool Haus sa Quezon City na ang initial telecast ay sa RPN “Pare” mula 7:00 hanggang 9:00 ng gabi tuwing Sabado na magsisimula sa Agosto 11, at ito ay sa pakikipagtulungan ng Solar Entertainment Corporation. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: