Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Armadong helicopter vs poachers

UPANG maipakita na talagang desidido silang labanan ang mga “poachers” na nagmumula sa iba’t ibang lugar, inihayag kahapon ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bataan na bibili sila ng isang armadong helicopter para masupil ang mga iligal na mangingisda na pumapasok sa kanilang lugar na nasasakupan.

Ayon sa ulat, inaprubahan na ng Bataan provincial government ang isang panukalang mula sa Bataan Mayors’ League para sa pagbili ng isang four-seater na helicopter, na may kasamang nakakabit na caliber-.60 machine gun.

Batay sa ulat ni Orion mayor at Bataan Mayors’ League president Antonio Raymundo Jr. kay Governor Enrique Garcia Jr., sinabi nito na talamak pa rin ang “dynamite fishing” sa kanilang lalawigan, at ang ibang mangingisda ay gumagamit pa ng pinong lambat para lalong maraming isda ang mahuli hila.

Napag-alaman na lubhang apektado ng illegal fishing ang mga bayan ng Orion, Limay, Mariveles, Samal, Abucay at Morong.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Bataan provincial police chief Sr. Supt. Odelon Ramoneda na karamihan sa mga iligal na mangingisda na dumadayo sa Bataan ay nagmumula sa mga lalawigan ng Cavite, Bulacan at Zambales, at ang iba naman ay mula sa Metro Manila, kabilang na ang Malabon at Navotas.

Samantala, ang lokal na pamahalan ng lalawigan ng Bataan ay naghahanda na ng Memorandum of Agreement upang pagkasunduan ng kanilang pamahalaan, ng kapulisan, militar, at Department of the Environment and Natural Resources ang pagmimintina ng bibilhin nilang helicopter.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: