Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Ang kenkoy na batas!

Shooter ni Raffy Tulfo

KAMAKAILAN, isang ba-gong batas ang pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo – ang Republic Act 9492. Sa bagong batas na ito, iniuurong ang karamihan sa mga holidays sa pinakamalapit na Lunes. Ang ibig sabihin nito ay makakaasa ang mga manggagawang Pilipino ng maraming 3-day weekend vacations sa mga darating na araw.

Ito ang kabilang sa mga tinatawag na kengkoy law. Ang RA 9492 ay hindi mahalaga para sa mga manggagawa tulad ni Juan dela Cruz sapagkat ito’y hindi kapaki-pakinabang sa kanya.

Ang lubos na magpapa-kasasa sa batas na ito ay ang mga tamad na kawani ng ating gobyerno na maraming perang pambakasyon o pang-out of town.

Ang RA 9492 ay isang mababaw na pampalubag-loob o pang-uuto sa mga mangga-gawa. Walang pinagkaiba ito sa isang amo na naghagis ng buto na laruan sa kanyang alagang asong nagugutom at nag-aalboroto para may mapaglaruan at mapagba-lingan ng pansin.

Kung kapakanan ng mga manggagawa ang talagang nasa isip ng ating mga honorable pork barreled multi-millionaire walking jewelry store pot-bellied congressmen at kung talagang sila’y may mga isip, este, nag-iisip, maraming mga batas na puwede nilang maipanukala na maging kapaki-pakinabang sa hindi na mabilang na mga mangga-gawang Pilipinong aping-api ng kanilang mga kumpanyang pinagtatrabahuan.
At marami ding kasalu-kuyang batas na puwede nilang pagtuunan ng pansin at amiyendahin para maging paborable kay Juan dela Cruz.
* * *
Isang batas na dapat maipanukala ay ang pag-obliga sa mga kumpanya na nagsisingil at nagkakaltas ng cash bond sa kanilang mga empleyado na ideposito ito sa isang bank account na tumutubo ng interest. At kapag umalis na ang mga empleyado, agad na maibalik ito sa kanila na may kasama ng tubo.

Sa kasalukuyan, libu-libong mga security guards, messengers, janitors etc. ‘pag umalis na sa kanilang ahensya, paiyakan at inaabot ng maraming buwan bago nila mabawi ang kanilang cash bond. Ito ay dahil ginamit muna ng kanilang mga kupal na amo ang mga cash bond para pagulungin sa negosyo.

Ang batas na nagpaparusa sa mga kumpanya na nagkakal-tas sa mga empleyado ng pera para sa SSS ngunit hindi inire-remit sa SSS ay kinailangang amiyendahan at dapat taasan ang multa at dagdagan ng maraming taong pagkaka-kulong.

Sa kasalukuyang batas, ang sinumang kawatang kumpan-ya na lumabag dito ay mumul-tahan lamang ng wala pang limang libong piso. Ang nangyayari tuloy, dahil sa napakamurang multa, hindi nirerespeto at tinatawanan lamang ng mga tarantadong amo ng mga kumpanyang ito ang nasabing batas kaya patuloy pa ring ninanakawan at nilalapastangan ang libu-libong mga pobreng mangga-gawang Pilipino.

Dapat magkaroon din ng batas na magpataw ng mabigat na parusa sa mga gagong kumpanya na lumalabag sa minimum wage law, hindi nagbabayad ng overtime pay, nang-iipit o hindi nagbibigay ng 13th month pay at hindi nagbibigay ng day-off sa kanilang mga empleyado.

Sa ngayon, libu-libong mga security guards sa buong bansa ang pinagdu-duty ng kanilang mga ahensya ng 12 hours araw-araw, straight, sa loob ng isang linggo at ang suweldong natatanggap lamang nila ay wala pa sa dalawang daang piso kada araw. Ang masaklap pa hindi sila nakakatikim ng 13th month pay.

Isa pang batas na dapat amiyendahan ay ang compensation sa mga taong nasagasaan at namatay. Ang nakasaad kasi sa kasalukuyang batas, kapag ang isang tao ay nasagasaan ng rumaragasang sasakyan at namatay, ang halaga lamang ng kanyang buhay ay P50 THOUSAND.

Kaya may mga insidente tayong nababalitaan kung saan kapag nakasagasa ang isang driber ng kotse, halimbawa, ng isang tao at ito’y naghihingalo pa, babalikan niya ang biktima hindi para tulungan kundi para tuluyan na ito.

Ito ay sapagkat mas malaking tipid nga naman kapag ang biktima ay patay kaysa kapag ito ay binuhay at ipinagamot na ang gagastusin sa ospital ay maaaring aabot sa daan-daang libong piso.

* * *
Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0921-477-5555 o mag-email sa raffytulfo@pldtdsl.net. Maari din kayong makinig sa DZXL, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m. Wanted sa Radyo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: