Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

PAG-ARESTO SA 130 DINEDMA NG MILF

NAGMISTULANG dinedma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napaulat na umano’y court order para arestuhin ang 130 mga sundalo nito at inihayag na hihintayin muna nila ang magiging resulta ng pagsisiyasat na isinasagawa ng isang international monitoring team na nag-iimbestiga sa nangyaring pagpugot ng mga tauhan ng Philippine Marines sa Basilan noong nakaraang Hulyo 10.

Sinabi kahapon ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal na hinihintay muna nila ang pormal na komunikasyon tungkol sa bagay na ito na magmumula sa gobyerno ng Malaysia, na siyang nagsisilbing intermediary sa isinasagawang peace talks.

“As far as the MILF is concerned and I suppose also the government, let’s wait for the report and recommendation of the fact-finding committee on the ground before we have anything to say on the issue,” ani Iqbal sa isang statement kahapon.

Aniya, ang international monitoring team at ang pinagsanib na government-MILF committee on the cessation of hostilities ay kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidenteng nangyari sa Basilan kung saan pinagbintangang MILF ang pumaslang sa 14 na Marines at sinasabing sampu sa mga ito ay pinugutan pa ng ulo.

Sinabi pa ni Iqbal na wala pa siyang pormal na kaalaman tungkol sa sinasabing nakatakdang pag-aresto sa 130 mga sundalo ng MILF na pinaghihinalaang sangkot sa pagkakapaslang ng 14 na Marines.

“As far as I’m concerned we haven’t been formally informed about that.  What is official to us is the official communication from our counterparts in government,” sabi pa ni Iqbal.

Samantala, ipinaliwanag ni Iqbal na wala siyang alam tungkol sa umano’y napaulat na paglikas ng ilang miyembro ng MILF sa Basilan, at sinabing wala silang natanggap na impormasyon tungkol sa bagay na ito.
Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: