Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

Neri walang alam sa review centers

BAGAMA’T mayroon siyang sapat na kaalaman upang lalo pang mapaganda ang curriculum sa kolehiyo, maari wala namang sapat na kaalaman si incoming Commission on Higher Education (CHEd) chairman Romulo Neri kung papaano makukontrol ang operasyon ng mga review center.  

Inamin kahapon ni Neri na wala pa siyang sapat na kaalaman kung papaano niya pakikitungohan ang mga review center tungkol sa “popular” na mga kurso, kasama na rito ang mga nasangkot sa nangyaring nursing licensure exam leakage noong nakaraang taon.

“I’ll have to admit I don’t know what to do with them at this time.  But I am aware many parents spend good money for those types of courses, including review centers,” sabi ni Neri sa isang panayam na isinagawa ng dzBB radio.

Aniya, dapat pa niyang matutunan ang ilang bagay-bagay tungkol sa isyung ito, upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa mga review centers.

“We have to make sure parents get a high degree of return for their investments,” sabi ni Neri.

Ipinaliwanag pa ni Neri na bago pa siya sa kanyang bagong posisyon, dahil sinabihan lamang daw siya ng berbal ni Executive Secretary Eduardo Ermita nitong nakaraang linggo.

Si Neri ay sinasabing isang “presidential troubleshooter” ng pamahalaan, at umano’y pamumunuan nito ang CHEd sa loob lamang ng anim na buwan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: