Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

Mini-casino sa Baguio ipinasara

MAKARAAN ang umano’y maraming nabigong pagtatangka, tuluyan nang sinalakay at ipinasara ng pulisya ng Baguio City at mga anti-gambling officials ang isang mini-casino na matatagpuan sa Dagohoy Street kamakailan.


Batay sa ulat ng pulisya doon kahapon, tuluyan nang naipasara ng mga tauhan ng Anti-Vice Coordinating Task Force (AVCTF) ang naturang casino na matatagpuan sa ikalawang palapag ng dating Garden Theater sa lungsod.

Kaugnay nito, napag-alaman na tiniting-nan na ng mga awtoridad ang kasong maaring isampa laban sa may-ari ng gusaling kinalalagyan ng umano’y pasugalan dahil sa pagpayag nito sa naturang operasyon.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, 76 ang naaresto sa nasabing pagsalakay sa mini-casino, at kasalukuyan pang sinisiyasat kung ang mga ito ay naka-istambay lamang sa lugar, mga manlalaro sa casino, o mga may-ari ng kalapit na mga tindahan doon.

Sinasabing nakakumpiska din ang mga sumalakay na awtoridad ng iba’t ibang gambling paraphernalia kagaya ng mga mesang pang-monte at salisi, mga baraha, at iba’t ibang klase ng gambling chips.

Nakatagpo din ang mga pulisya ng isang kalibre .38 revolver at dalawang kutsilyo sa nabanggit na lugar.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: