Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

La Tienne naka-record sa distansiyang 1,500 meters

Sportsgame ni Galman

AYAN mga kapatid na karerista, napanood natin kahapon ang panalo ni La Tienne sa ginanap na 3rd leg ng Championship Series sa Santa Ana Park sa pamamatnubay ni jockey Pat Dilema.

At isa sa hindi makakalimutan dito ay ang paggawa nila ng bagong record para sa distansiyang 1,500 meters. Tinahak ni La Tienne ang naturang karera sa oras na isang minuto at 31 segundo. Bumaybay ito sa quarter times na 18, 23, 23 at dumating pa ng 27 segundo.

Eksakto lang ang pagremate nito at sapat para biguin ang ambisyon ni Heroics na makasilat sa grupong iyon. Si Heroics ang siyang pinakadehado sa lahat, samantalang si La Tienne naman ang pinakapaborito.

Sa pagbukas ng aparato ay kaagad na kumuha ng unahan si Heroics. Hindi na nito pinagbigyan pang makaporma si Daijobo’s Success na isa ring mabilis. Nakapamigura man sa unahan ay pinilit pa rin ni B.M. Yamzon na maitawid sa meta si Heroics. Pero pinangapusan na nga ito, bago pa eksakto lang na lumampas si La Tienna bago ang meta.

3-Cock derby ngayon sa Makati coliseum
Mga kasabong, dito naman tayo ngayon sa Makati Coliseum nitong Lunes ng gabi. Mabilis at hindi kayo maiinip sa mga aksyon na raratsada dahil ilalarga ngayon ang 3-Cock derby. Sa ika-6 ng gabi ang simula ng sultda.

May nakalaan ditong P300,000 papremyo. Ang entry fee ay itinakda sa P8,8000. At ang may pasabong ay ang Winning Time Jobo Sports and Amusement Corporation.
Samantala, nagkasosyo sa pagiging kampeon ang mga lahok nina Ram Lopez na R and A, Amor Salvanera na Kalayaan at Diko Cesar na RGA sa 3-Cock derby na ginanap noong Hulyo 23.

Kaya naman tiyak na babawi naman ngayon sina Efren Canlas, Louie Cua, Eddie and Pete Ison, Butchoy Olano, Raymond Turla, Jun Pascual, Boy de Roca, Lito Roque, Pepito Ngo, Richard Bates, Boy de Roca, Emil Chua, Nene Aguilar, Super Pacman entry at iba pa.

At tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng screening para sa mga stags na isasalang sa Richard L. Bates 7-Stag derby. Ito ay nakalinya sa Agosto 27 at 29. Dito ay may nakalaang P700,000 papremyo. At ang ating entry fee ay P16,000. Ang gustong sumali ay puwedeng tumawag sa 824-0237 at 0916-7238412 (Mrs. Verna Bates) para sa screening ng mga stags.

Battle of Big Boys sa Pasay cockpit
May napipintong higanteng sabong na magaganap sa Pasay City Cockpit. Magkakasubukan ang mga big-time cockers sa Battle of the Big Boys 7-Stag derby sa darating na Agosto 31.

Magkakatagpo sa isang gabi ng bakbakang ito ang mga bigatin na kagaya nina sabong idol Patrick Antonio, Gerry Ramos, Pol Estrellado, Boy Jiao, Firefly Group, Boy Marzo, Ito Ynarez, Sonny Lagon, Primallion brothers ng Zamboanga at iba pa.

Susuriin ni pit manager Eric dela Rosa ang mga banded stags simula sa Agosto 8 hanggang sa Agosto 25. Ito ay upang maging patas at parehas ang labanan.

Ang mga sumusunod na mga breeder group ang maaaring magpasok ng mga stags. Ito ay ang NFGB, UGBA, GF-BAN, LGBA, SGBA, MIGBA, PAGBA at NGBA. Ang mga kasali sa pasabong na ito ay siguradong may kikitain. Dahil babahaginan sila ng proceeds mula sa naturang derby, ayon kay dela Rosa. Tumawag sa 843-1890, 843-1746 at 816-6750 para sa mga iba pang katanungan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: