Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

Hindi raw hinahangad ni Nadine na maging reyna ng GMA drama shows

eXpress Scoop ni Ruel Mendoza

KAHIT na nga wala na sa bakuran ng GMA-7 si Angel Locsin, hindi nga raw hahangarin ni Nadine Samonte ang maging susunod na reyna ng GMA drama shows.

Noon pa man ay pinagsasabong na sila Nadine at Angel pero nananatiling tahimik na lang si Nadine dahil wala siyang panahon na makipagtalo sa mga taong gustong pag-awayin sila ni Angel. Kahit na wala na si Angel ay wala sa isipan ni Nadine na palitan ito sa puwesto.   

“Wala po akong ganyang ambisyon. Bahala silang mag-agawan sa title na reyna, basta ako nagpapasalamat sa GMA-7 dahil sa mga projects na binibigay nila sa akin,” paliwanag ni Nadine.

“Sa totoo lang, ang importante ay tuluy-tuloy ang trabaho. Wala akong karapatang magreklamo dahil ang daming artista ngayon na naghahanap ng work. Bakit ako magrereklamo kung panay ang bigay sa akin ng trabaho, ‘di ba? I am thankful na nagiging priority ako ng GMA-7.”

Kaya nga muling nagbibida si Nadine sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na Kung Mahawi Man Ang Ulap. Gagampanan nga niya ang papel na Catherine na originally ay ginampanan ni Hilda Koronel sa movie version nito.

Nakaramdam nga si Nadine ng kaba dahil nakita niyang kayhusay ni Hilda nang ipa-panood sa kanila ang pelikula. Iniisip niya tuloy kung paano niya ito mapapantayan lalo pa’t first mature role nga niya ito sa telebisyon.

“Na-tense tuloy ako sa role ko kasi ang husay-husay ni Ms. Hilda Koronel sa movie as Catherine. Natatakot ako na baka mag-expect sa akin ng malaki ang mga taong nagbigay ng tiwala sa akin to play the role. Ayoko naman silang ma-frustrate.”

“Kaya mabuti na lang that Direk Mac Alejandre is always there to guide me. Mahirap nga sa akin sa una because iba ang role na ito sa mga nagawa kong mga drama series like Ikaw Sa Puso Ko and Now And Forever Presents: Ganti. Pero nandiyan lang si Direk Mac para i-guide ako sa tamang pag-atake sa role ko.”

Sa mga nauna ngang tapings ni Nadine ay sinabak kaagad siya sa isang love scene with her leading man – Dennis Trillo. Aminado si Nadine na sobrang kinabahan siya sa kinunang love scene nila. Pero nagpapasalamat siya na bukod kay Direk Mac ay nandiyan si Dennis para turuan siyang mag-relax sa kanilang intimate scene.

“Sabi nga ni Dennis na mas na-tense daw siya sa akin noong isu-shoot namin ‘yung eksena,” ngiti ni Nadine. “Kasi nga alam niyang first time ko sa gano’ng eksena kaya kinabahan din siya.”

“Nag-usap naman kami na we will take it slow. Mas mabuti na raw ‘yung gano’n kesa sa magmamadali kami sa eksena pero puro mali naman. Mas matatagalan pa ang taping. Kaya mas mabuti ‘yung slow but sure.”

Hinahanda na rin ni Nadine ang sarili niya sa mga magiging eksena nila ni Iwa Moto who will play the role of Rita, ang magiging kontrabida sa buhay niya.

“Nag-usap naman na kami ni Iwa regarding sa mga eksena. Magkakaroon kami ng sarili naming routine. Marami kasing eksena rito na aapihin nila ako at sasaktan nila ako ni Hazel Ann Mendoza at Jeremy Marquez. Pero mas marami kaming eksena ni Iwa kasi aagawin niya sa akin si Dennis.”

“Kaya choreographed na ang awayan namin sa show. Mahirap na kasi at baka maulit ‘yung naging eksena namin sa Magic Kamison kung saan naitulak ko ng malakas si Iwa at na-off balance siya. Aayusin namin para walang masaktan sa aming dalawa.”

Ngayong Lunes, July 30, na nga ang simula ng Kung Mahawi Man Ang Ulap at kasama pa rito sina Glydel Mercado, Gardo Versoza, Vangie Labalan, Tommy Abuel, Ces Quesada, Tyron Perez, Chuck Allie at Aiza Marquez.
* * *
Nakakatuwa naman si Ms. Imee Marcos dahil bagets na bagets ang dating niya sa launch ng CREAM or Creative Media and Film Society of the Philippines. Isang organization para sa mga independent film, animation and interactive digital media producers sa Alchemy. Si Ms. Imee nga ang nangunguna rito dahil may experience na siyang maging isang film producer, gusto naman niyang makatulong ulit dahil mas marami na siyang time ngayon.

“I’m no longer a congresswoman and I’m now citizen Imee. Kaya mas marami na akong magiging oras for this organization. If you will all remember the Experimental Cinema of the Philippines where we did quality films like Himala and Oro, Plata, Mata, eh gusto naming mabalik iyon.”

“I care so much for our local entertainment at sayang naman ang mga talented people na puwedeng gumawa ng mga magagandang pelikula or even do local animations and digital games. We in this organization would love to help these talented people a good start. Ang mga Pinoy kasi magagaling. Kilala tayo sa buong mundo as talented people kaya ituloy lang natin iyon.”

Nilinaw nga rin ni Ms. Imee na wala siyang balak pasukin ang showbiz. Tama na raw ‘yung nasa likuran siya. Hindi raw siya tulad ng ina niyang si former First Lady Imelda Marcos na mahilig sa limelight.

“Naku, si mommy na lang ang mag-artista kasi siya ang may hilig sa ganyan!” tawa pa niya. “Kilala n’yo naman ako, I’m always behind every good production. Huwag na akong piliting gawin artista at gurang na tayo! Si mommy kasi, she never grows old. Young at heart parati ‘yan kaya showbiz na showbiz!”

Kinumusta naman namin ang anak niyang si Borgy Manotoc na naiipit parati sa intriga at gulo. Sey naman ni Imee na bilang ina ay nasasaktan siya kapag parating nalalagay sa hindi magandang eksena ang kanyang anak.

“As a mother, I do my best to really discipline them. Pero malalaki na sila, eh. They can take care of themselves pero kapag sumusobra na, nandiyan ang sinasabunutan ko siya, sinasampal at tinatadyakan! Ha! Ha! Ha! Ha! Joke lang naman iyon. What I really do is talk to them and ask them kung ano ba ang problema?”

“Si Borgy kasi, he has his own world. I just guide him to what I know is right para makaiwas siya sa gulo. Pero matigas ang ulo. Hindi nakikinig kaya hayan, nalalagay sa alanganin. But my son is man enough to face his problems. Hindi niya ito tatakbuhan and he will never bring such disgrace to our family.”

“Ang gusto ko lang is maging fair sila sa pag-judge sa anak ko. Hindi porke’t apo siya nila Ferdie at Imelda, it doesn’t mean na hindi maganda ang mga ginagawa niya. Ang pamilya nga namin, we’ve been judged for so many years na pero we never felt the need to correct them. Kasi history will do the right thing for us.”

“Kaya nga I am going to start writing a book about my father (the late former Pres. Ferdinand Marcos) and our family. Gusto kong ilagay doon ang mga hindi nila alam about my dad. Marami na kasing nasulat at napag-usapan pero they don’t know the truth.

Hopefully, I will be able to write it and let people read the truth.”

Okey lang bang maging isang pelikula ang gagawin niyang libro about sa pamilya nila?

“Why not, ‘di ba? If it’s one way to let people believe in what is written, so be it. ‘Yun din naman siguro ang purpose kung bakit ako magsusulat ng libro. To reach out and correct what was said wrong about our family,” pagtatapos pa ni Ms. Imee Marcos.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: