Posted by: thecommuterexpress | July 30, 2007

Gacutan bagong hepe ng Manila City Jail

BILANG bahagi ng pagbalasa na isinasagawa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), itinalaga na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Jail Supt. Renato Gacutan bilang bagong Warden ng Manila City Jail, kapalit ni Jail Supt. Alan Iral.  

Ayon sa Department Order 2007-482 na ipinalabas ni DILG secretary Ronaldo Puno, si Iral ay ipalilipat sa tanggapan ng BJMP NCR Office at si Gacutan naman ang hahalili sa kanya, mula sa kanyang puwesto na dating deputy chief ng Directorate for Plans and Development ng BJMP.

Napag-alaman mula sa DILG na si Gacutan ay dati ring hepe ng BJMP Health Service kung saan ay mayroon itong 5,000 mga tauhan na silang nangangalaga naman sa aabot sa 25,000 na mga preso sa iba’t ibang piitan na sakop nito.

“I welcome this new assignment and consider it as a challenge and a great opportunity for me to be of more service to the BJMP and to the people,” sabi naman ni Gacutan.

Inihayag din ni Gacutan na pagagandahin niya ang Manila City Jail at isasaayos ang pamamalakad dito upang maitaas ang morale ng mga preso at mapangalagaan ang kalagayan ng mga ito.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: