Posted by: thecommuterexpress | July 27, 2007

Motorsiklo paghihigpitan sa Makati

SIMULA sa darating na Agosto 1, madadagdagan na ng mahigpit na requirements ang mga gumagamit ng motorsiklo, bukod pa sa paglalagay ng sticker sa kanilang helmet, sakaling dadaan ang mga ito sa Makati City.

Batay sa ulat, ang Makati City police department ay maglalagay na ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar para mapag-parehistuhan ng mga nagmamaneho ng motorsiklo na dadaan sa lungsod.

Napag-alaman na ipapatupad ito sa lungsod ng Makati bagama’t umani ng pagtutol ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kailangang maglagay ng sticker sa mga helmet ng mga nakasakay sa motorsiklo.

Ngunit ang pakay umano ng naturang dalawang hakbang ay upang maapula ang mga kriminal na ginagamit ang motorsiklo sa kanilang pagtakas mula sa pinangyarihan ng isang krimen.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Makati City police director Sr. Supt. Gilbert Cruz na karamihan sa mga nangyaring krimen sa lungsod ay kadalasang nakasakay sa motorsiklo ang mga suspect.

Dahil dito, inatasan na ni Cruz ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang pagsuri sa mga motorsiklong dumadaan sa lungsod.

At ipinaliwanag pa ni Cruz na ang rehistrasyon ng mga motorsiklo sa Makati ay para makagawa na rin sila ng “database” ng mga motorsiklo at mga nagmamaneho nito.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: