Posted by: thecommuterexpress | July 27, 2007

JDV – ang pinaka-makapangyarihan sa Kamara

ANG pang-apat na pinaka makapangyarihang posisyon ng bansa sunod sa President, Vice President at Senate President ay ang Speaker of the House. Bilang pangunahing tagapagsalita ng Kamara de Representantes o House of Representatives, ang Speaker ay nagsisilbing boses sa daang-daang kongresista mula sa iba’t ibang distrito ng bansa na ating iniluklok, kaya’t siya ang tumatayong representante ng lahat ng representantes ng Pilipinas. Ang Speaker ang nagpapastol sa pagpapasa ng mga mahahalagang batas na lokal at nasyonal na maaring makapagpabuti sa kalagayan ng ating mga sariling lugar at sa buong bayan.

Sa pagbubukas ng kongreso noong Lunes, iniluklok sa panlimang pagkakataon bilang Speaker of the House si Pangasinan Representative Jose de Venecia o JDV.  Siya ay record holder sa pinakamaraming beses na humawak sa makapangyarihang posisyong ito.

Unang naluklok si JDV bilang Speaker noong 9th Congress (1992-1995), sinundan ng 10th Congress (1995-1998), 12th Congress (2001-2004), 13th Congress (2004-2007) at ngayong 14th Congress (2007-2010). Ang mga taga-suporta at maging mga kritiko ni JDV ay sumasang-ayon na isa sa mga matimbang na sikreto sa staying power ng beteranong mambabatas ay ang kanyang consensus-building at negotiation skills, isang mahalagang katangian para sa isang Speaker na kailangang pamunuan ang mga kongresistang may kanya-kanyang mga layunin at agenda na pinangangalagaan.

Wala rin namang kukuwestiyon na si JDV ay isang brilliant statesman na marami nang nabahagi sa bansa. Siya ang pioneer ng overseas contract work para sa mga Pinoy. Siya ang unang nagbigay ng trabaho para sa libu-libong Pilipino para sa mga kumpanya ng langis, agrikultura, daungan at pabahay na kanyang tinayo sa Middle East at North Africa noong 1970s.

Siya din ang nag-isip at nag-implementa ng dollar-remittance program para sa mga overseas Filipino workers na ngayo’y nagpapa-tayo sa ating ekonomiya. Lingid sa kaalaman ng marami, si JDV ang unang nakatuklas ng langis sa Palawan. Naging peace envoy din siya para sa Mindanao at kabilang sa mga bumuo ng mahahala-gang peace agreements sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng grupo.

Hindi Political Science, Public Administration o Law ang kursong tinapos ni JDV kundi Journalism sa Ateneo de Manila. Isa siyang magaling na manunulat at mananalita.

Trademark na ang mga mabulaklak na diskurso ni JDV sa kamara. Siya mismo ang nagsusulat ng kanyang mga speeches at balak daw niyang magsulat ng libro sa kanyang pagreretiro sa pulitika.

Sa aming panayam kay JDV para sa programang Reporter’s Notebook ng GMA-7, ikinuwento niya na siya daw ay isang part-time farmer at fisherman nung kanyang kabataan. Naging youth leader din siya at aktibo sa pagtuturo ng katekismo sa mga public schools noong siya ay nag-aaral sa Ateneo.

Sa edad daw na dise-otso ay naging kolumnista na siya para sa isang pahayagan kung saan ang Asian affairs ang kanyang regular assignment.  Sabi nga ng maybahay ni JDV na si Manay Gina De Venecia, kung ang libangan niya ay magbasa ng mga entertainment magazines, ang libangan naman ni JDV ay magbasa ng mga libro tungkol sa foreign affairs at sa mga great statesmen ng mundo. Para kasi kay JDV, mahalaga para sa mga namumuno ang pagkaka-roon ng global perspective sa mga direksyong tataha-kin para sa bansa.

Naikuwento din sa amin ni Manay Gina na maaga palang naulila sa ina si JDV kaya’t kinailangan niyang matuto na mamuhay ng independent sa murang edad. Si JDV ay talaga ngang isang self-made man, maabilidad at may ambisyon. Ngunit sinasabing ang ambisyon niya na mamuno sa bansa ang siya ring naging kahinaan ni JDV.

Sinubukan niyang tumakbo bilang presidente noong 1998 presidential elections ngunit siya ay naiwan sa huli ng presidential race kung saan si Erap ang nag-wagi.

Ang mariing pagsulong ni JDV sa Charter change (Cha-cha) ay pinaghihi-nalaang paraan niya para mamuno sa bansa bilang Prime Minister. Ilang kongresista ang nadismaya dito dahil maraming mga mahahalagang batas ang naisantabi sa pag-prayoridad ni Speaker JDV sa usapin ng Cha-cha o pagbabago ng Saligang Batas.

Inamin naman ni JDV na sa bagong kongreso, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsulong ng Cha-cha, ngunit nilinaw niya na wala siyang balak mamuno bilang Prime Minister.

Naniniwala kasi siya na ang pagpalit ng sistema ng gobyerno mula presidential sa parliamentary ang sagot sa magulong sistema ng pagpapalakad ng bansa.

Ani De Venecia, sa kanyang huling termino sa kongreso, ang higit na nais niya ay mapasaayos ang kalagayan ng bayan. Ang legacy o pamana na nais niyang iwanan bago siya mag-retiro sa pulitika ay ang paglatag ng isang parliamentary system of government na palagay niya ay higit na magiging epektibo.

Marami pang mga isyu na sinagot si JDV tungkol sa mga kontrobersiya sa Mababang Kapulungan na kanyang kinakasang-kutan tulad ng korapsyon, pagharang sa impeachment ni Pangulong Arroyo at iba pa.

Ipapalabas namin ang panayam kay JDV, ang assessment sa performance ng Lower House at ang kontrobersyal na isyu ng pork barrel sa aming special episode na “State of the House” sa Reporter’s Notebook sa August 14. Sana ay abangan ninyo ang report na ito.
+D.O.G.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: