Posted by: thecommuterexpress | July 27, 2007

DAPAT MAGTIPID NG KURYENTE

“MAGING masinop sa paggamit ng kuryente mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.”

Ganito ang naging panawagan kahapon ng National Power Corporation (Napocor) sa mga residente ng Metro Manila, makalipas magbabala ang pamahalaan tungkol sa posibleng pagkakaroon ng kakulangan ng kuryente at tubig dahil sa nararanasang kakulangan naman ng ulan sa bansa.

“We hope people will be careful in using electricity especially between 10 a.m. and 2 p.m. This is the time when electricity use peaks,” ani Napocor president Cyril del Callar sa isang panayam na isinagawa ng dzBB kahapon.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Del Callar na nagsasagawa na sila ng cloud-seeding para mapuwersang magkaroon ng ulan upang makatulong na maapula ang kakulangan ng tubig at para mabawasan ang mainit na temperatura.

“Malaking tulong ito sa pagbawas ng gamit ng kuryente. For every one degree Celsius, ang laking tulong, mga 100 megawatts ang natitipid natin,” sabi pa ni Del Callar.

Ipinalabas ni Pangulong Arroyo ang kanyang pagbabala sa maaring mangyaring kakulangan ng kuryente at tubig matapos siyang makipagpulong sa ilang matataas na opisyal kamakalawa sa Makati City.

Samantala, nanawagan naman si Department of Energy undersecretary Melinda Ocampo sa mga negosyante na gamitin nila ang kanilang mga “idle” na generator upang kahit papaano ay makabawas sa pagbili ng kuryente mula sa Napocor.

“Water supply will be tight. This is our problem, we want to, as much as possible, have a continuous supply of electricity,” sabi nito. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: