Posted by: thecommuterexpress | July 27, 2007

Angel Locsin – ang babaeng walang pahinga?

Ni Maricris Valdez-Nicasio

ITINANGGI ng isang executive ng GMA-7 ang pahayag ng kampo ni Angel Locsin na ang isa sa dahilan ng pag-alis niya sa Kapuso Network at paglipat sa ABS CBN ay dahil wala na itong pahinga sa naturang istasyon.

Kinuha namin ang panig ni Ms. Redgie Magno-Acuña (isa sa executive ng GMA 7 at PUM ng mga naging show ni Angel sa Siyete tulad ng Mulawin, Darna, Majika, at Asian Treasures) at ipinahayag niyang hindi ang GMA-7 ang dahilan kaya nangangarag sa katatrabaho si Angel. Ayon kay Ms. Redgie, ang manager ni Angel na si Becky Aguila ang tanggap ng tanggap ng project sa labas ng GMA-7.

“Hindi totoong hindi namin pinagpapahinga si Angel. Bago pa man matapos ang soap niya na nag-e-air, tinatanong na nina Angel at Becky what’s her next project para raw makapag-prepare sila.

“And bakit naman namin siya hindi pagbabakasyunin kung gusto niya? Ayaw lang din namin siyang matengga ng matagal kasi wala siyang income. Si Becky kasi kapag libreng araw niya, isinasalang pa sa kung ano-ano si Angel. Siyempre, dapat naman talagang unahin niya ang network.

“’Yung iba nga humihingi ng trabaho, siya nagrereklamo sa trabaho. Kung hindi siya niraraket ni Becky kung saan-saan, meron siyang araw ng pahinga. Ang araw ng pahinga niya kasi kinukuha pa ni Becky. Tapos sa GMA isisisi, parang hindi naman tama ‘yun,” mahabang sagot sa amin ng GMA executive.

Idinagdag pa niya na kung bakasyon lang daw ang gusto ni Angel ay hindi nito kailangang umalis o lumipat ng network.  Pwede nga naman siyang magbakasyon at saka muling magtrabaho pagkatapos. Tulad ni Richard Gutierrez na bago magsimula ng panibagong project ay humihingi muna ng bakasyon at pinapayagan naman ng GMA-7. Kaya hindi kapani-paniwala ang pahayag ng kampo ni Angel at halatang palusot lang ito.

Lumalabas talaga na ang tripleng offer ng ABS-CBN sa aktres ang pangunahing rason sa paglipat niya at pagbalewala sa naitulong GMA 7 para sumikat si Angel.

*  * *

Lilipat na sa bagong ‘bahay’ nila ang mga Librarians ng M. Adriatico sa isang malaki, maaliwalas, mas komportableng lugar sa Maria Orosa Street sa Malate. Ang Librarians sa M. Adriatico ay 22 taon nang nagbibigay ng comedy at sing-along bar.

Sa pamamagitan ng may-ari ng The Library na si Andrew ‘Mamu’ de Real, isang paanyaya ang ipinaaabot nito sa mga mahilig pa ring tumawa, kumanta, at magsaya after a hard day’s work sa bagong The Library na matatagpuan sa 1739 Maria Orosa Street, Malate.

Sa grand opening nito sa Setyembre 1, sari-sari at sangkaterbang sorpresa na naman ang inihanda ni Mamu at ng kanyang staff para sa kanilang mga guest. Mula sa mga artist na magbibigay ng kanilang time, hanggang sa performer sa kanilang mga ipinagmamalaking acts, at sa mga celebrity na all these years ay naging kapamilya at kapuso na ng nasabing bar lahat ay magsasama-sama sa panibagong pagbubukas ng bagong kabanata ng nasabing comedy bar.

Ang The Library ang unang naging tahanan ng mga kumikinang ng pangalan sa larangan ng pagpapatawa sa mga panahong ito—Allan K, Arnell Ignacio, Ai-Ai delas Alas, Phillip Lazaro, Teri Onor, Pooh, Vivorah, ang Raging Divas at marami pang sumikat at pinapansin na sa kanilang kinalalagyan.

Unique, private, different, bigger, better, deviant, what else is there to ask? Be there to witness the moving of the Library with a blast. Party starts at 7 p.m. and come in your semi-formal attire.

* * *

Going strong ang relasyon nina Jopay Paguia at Joshua Zamora. Ipinahayag ito ni Jopay sa launching ng pinakabagong season ng kanilang programang Daisy Siete na may titulong Tabachingching.

Ayon kay Jopay, sigurado na siyang si Joshua ang gusto niyang makatuluyan bagamat wala pa sa isipan niya ang pagpapakasal. “Hindi pa sa ngayon, ayoko munang isipin ang tungkol sa kasal-kasal, trabaho muna ang focus ko.”

Inamin ni Jopay na masaya siya sa piling ni Joshua gayundin sa takbo ng kanyang career kaya naman ok lang sa kanyang maghintay kung kailan maaayos ang annulment ni Joshua sa dating asawa nito.

Anyway, isang malaking challenge kay Jopay ang bagong season ng DS dahil ang role niya rito’y naiiba bilang isang broken hearted na tumaba nang husto dahil sa pagkain naituon ang sama ng loob.

Inamin ni Jopay na malaki ang sakripisyong gagawin niya dahil sa pagsusuot pa lamang ng costume nito’y parusa na, idagdag pa ang prosthetic para magmukha talaga siyang tabachingching. Inaabot ng 4-5 hours para maikabit ang mga ito.

Sa July 30 na mapapanood ang Tabachingching with Sexbomb Girls kasama rin sina Evangeline Pascual, Felix Roco, JC Cuadrado, at iba pa, mula pa rin sa E Focus ni Joy Cancio.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: