Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

Tigdas isinisi ng DoH sa karahasan sa Mindanao

ANG pagkakaroon ng “measles outbreak” kung saan ay 50 ang nagkasakit nito sa Zamboanga City ay isinisisi ng Department of Health (DoH) sa mga nangyayaring karahasan sa ilang lugar sa Mindanao kagaya ng lalawigan ng Basilan. 

Sinabi kahapon ni DoH secretary Francisco Duque III na ang mga nangyayaring kaguluhan sa mga “conflict areas” ay nakakaantala sa isinasagawang “measles vaccination program” sa Mindanao.

 “The cases were traced to nearby provinces where there are conflicts, like Basilan.  We could not complete our measles vaccination efforts there because of the fighting,” ani Duque sa mga reporter. Sa kasalukuyan, ang lala-wigan ng Basilan ang sentro ng isang opensiba na isina-sagawa ng militar, kung saan ay tinutugis nila ang mga pumatay sa 14 na Marines doon noong Hulyo 10. Sa napatay na 14 na Marines, 10 dito ang pinugutan ng ulo, na naging dahilan na rin upang ipag-utos ng Malakanyang ang malawakang pagtugis sa mga nagsagawa ng karumal-dumal na insidente. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Zamboanga City health officer Rodel Agbulos na bagama’t maituturing na may outbreak sa lungsod, ipinali-wanag nito na manageable pa naman ang sitwasyon. Sinabi pa ni Agbulos na ang pagkalat ng tigdas sa lungsod ay nagsimula nang magkaroon ng outbreak sa lalawigan ng Basilan. Aniya, 40 kaso ang naitala nitong nakaraang linggo, habang 10 pa ang naiulat sa iba’t ibang lugar na kagaya ng Sta. Barbara, Sangali at Canelar. Kung hindi umano naantala ang kanilang immunization program ay maaring hindi nag-karoon ng pagkalat ng naturang sakit sa kanilang lugar.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: