Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

TAGTUYOT NA BA SA PILIPINAS?

MATAPOS tayong makaranas ng halos kawalan ng ulan simula pa nitong buwan ng Hunyo, pinag-aaralan ngayong ng pamahalaan kung idedeklara nito na nakakaranas tayo ng “drought” at kung kailangan magpatupad na ng “water conservation program” at iba pang paraan para matugunan ang problemang ito.

                                                                                                                     Batay sa pahayag ni Pangulong Arroyo sa ilang istasyon ng radyo kahapon, hinihiling nito sa mga mamamayan na magtipid sa tubig matapos siyang makipagpulong sa ilang opisyal sa Makati City. Kaugnay nito, iminungkahi ni Pangulong Arroyo ang pagsasagawa ng “water recycling” kung saan ang tubig na nagamit na sa pagpaligo ay maaring gamitin upang hugasan ang mga sasakyan o ibuhos sa ating mga kubeta. Samantala, napag-alaman na inatasan na ni Mrs. Arroyo ang ilang ahensiya ng gobyerno kagaya ng Department of the Interior and Local Government, Bureau of Fire Protection, Water Resources Board, Department of Health, at ang Department of Public Works and Highways para magpatupad ng mga programang tutugon sa ganitong uri ng problema. Sa panig naman ni Department of Science and Technology undersecretary Graciano Yumul Jr., inihayag nito na ang water level sa Kamaynilaan at karatig na mga lalawigan ay nakababahala na dahil lubhang mababa na ito. “The water level was ‘40 percent below normal’ for June and July, and may reach ‘serious’ levels if no rains fall by August,” ani Yumul.                                                                                                                    Aniya, maaring magdeklara ng “drought” ang pamahalaan kung hindi uulan ng sapat hanggang sa buwan ng Agosto. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: