Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

P50 isang oras

Ni Lolly Acosta

NAKAKATUWA at nakakataba ng puso na mabigyan po natin ng ispasyo ang isang email mula kay Ver Guevarra. Narito po at ating basahin, at baka sakali pong kapulutan natin ng mahalagang mensahe na babagay sa mga kagaya nating magulang na:

 Isang araw, may isang lalaking gabi na umuwi ng bahay at pagod na pagod at naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak na naghihintay sa kanya sa may pintuan.

“Tatay, puwede po bang magtanong?” “Sige, ano yon?” tugon ng ama.

 

“Tatay, magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?” “Wala ka na roon… ba’t ka ba nagtatanong pa ng ganyan, ha?” galit na sinabi ng ama.

“Gusto ko lang po kasing malaman… sige na po, pakisabi n’yo na po kung magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?” ang paki-usap ng paslit.

“Kung kailangan mo talagang malaman ay nakaka-50 pesos ako isang oras.”

“Ah,” tugon ng paslit habang nakayuko at lumingon paitaas sa kanyang ama upang sabihin…

“Tatay, puwede po bang maka-utang sa inyo ng 25 pesos?”

Lalong nagalit tuloy ang ama.

“Kung ang dahilan lang ng pangungutang mo ay para makabili ka ng walang kwentang laruan o walang katuturang ibang bagay, mabuti pa… pumunta ka nang diretso sa kuwarto mo at matulog ka na, at isipin mo kung bakit ka nagiging makasarili.”

“Nagpapakahirap akong magtrabaho araw-araw, wala akong panahon sa ganitong pambatang kalokohan.”Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.

Naupo ang lalaki na lalong nagalit tungkol sa mga tanong ng paslit.

“Lintik na bata ‘yon ah, magtatanong ng gan’un para lang makakuha ng pera.”

Makalipas ang higit sa isang oras, ang lalaki ay nahimasmasan at nagsi-mulang mag-isip na masyado naman yata siyang naging marahas sa kaniyang anak.

“Siguro mayroon talagang importanteng bagay siyang bibilihin sa halagang 25 pesos… Kung sa bagay, bibihira naman siyang manghingi ng pera, eh.”  Kung kaya’t ang lalaki ay nagtungo sa silid ng kanyang anak at binuksan ang pinto nito.

“Tulog ka na ba, anak?” tanong niya. “Hindi pa po, tatay. Gising pa po ako.” tugon ng bata.“Ini-isip ko na sobra naman yata ako sa’yo kanina, eh,” ang sinabi ng lalaki.

“Medyo napagod kasi ako maghapon, kung kaya’t ikaw tuloy ang nabalingan ko… O, heto na ang 25 pesos na hinihingi mo.”

Naupo kaagad ang paslit habang nakangiting kinuha ang pera at malakas na nagsabing, “Salamat po, tatay!”Pagkatapos ay mayroong ina-abot ang paslit sa ilalim ng kanyang unan, at saka binunot ang mga gusut-gusot na pera“Kasi po ay kulang pa po ang pera ko kanina… Pero, ngayon po ay kumpleto na po,” ang tugon ng paslit.“Tatay, mayroon na po akong 50 pesos ngayon… Puwede na po bang bayaran ko na lang po ang isang oras ninyo… para po… umuwi po kayo ng maaga bukas, …kasi po, gusto ko pong magkasabay naman po tayong kumain kahit po sana sa hapunan, eh.”

Sa sinabing iyon ng kanyang anak, natigilan ang ama… dali-dali niyang niyakap ang kanyang anak..!

* * * Ipamahagi ang kuwen-tong ito sa mga taong nais ninyo pasayahin… ngunit mas mabuti pang ibahagi ninyo ang 50 pesos na halaga ng inyong panahon sa mga taong mahal ninyo.

Ito ay isang munting paalala para sa inyong lahat na labis na abala sa paghahanap ng ikabubuhay.Hindi po natin dapat hayaan pang makawala sa ating mga kamay ang mga oras, nang hindi man lamang natin nabibigyan ng panahon ang mga taong malapit sa ating puso.

Kaya’t maging paalala sana sa mga magulang na bigyan natin ng oras at panahon ang ating mga anak nang sa gayo’y hindi sila magtago ng kahit anong sikreto sa atin. At mga pangamba at agam-agam ay ating maintindihan at hindi tayo magsisi balang araw.

Power truth:  Let the little children come. do not hinder them, for such is the kingdom of God.

Ugaliing makinig po sa aming programang  ”Lingkod ng Bahay, Lingkod ng Bayan” tuwing 11-12nn, Monday-Friday sa DZAR-1026 khz.  for your comments  and suggestions, please text 0927-5125244 or email me at lolly_acosta@yahoo. com.  God Bless us all!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: