Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

P150-T ang papremyo sa Dictado derby ngayon

Ni Galman

SA MGA taga-timog, mayroon tayong derby dito sa Dictato Mega Cockpit na nasa Sta. Rosa City, Laguna. Mahigit sa 50 entries ang inaasahang sasabak ngayon sa 2-Cock derby na sa ika-7 ng gabi magsisimula.Garantisado ang papremyong P150,000 at mababa ang entry fee na P2,200 lamang. Ang ating host ay si Hermie Dictado.

At dahil dalawang manok lang ang isasalang, maaaring magpasok pa ng higit sa dalawa o tatlong entries ang mga participants.

 

May bagong Honda Bravo motorbike ang magiging karag-dagang premyo para sa kalahok na tatanghaling slowest champion. Ibabase ito sa oras na matatapos sa ikalawang sultada ng pang-champion na entries. Fastest win sa Las Piñas cockpit ngayonDito naman sa Las Piñas Coliseum, magkakaroon ng Fastest Win One-Cock Ulutan. Sa ika-10 ng umaga ang simula ng bakbakan. Mapapalaban na ang mga sabungerong taga-Laguna at Cavite kontra sa mga cockers ng Metro Manila.Sa kada sampung sultada ay pipiliin na ang magiging fastest winner. At ang mananalo ay bibigyan ng premyong P10,000.

Sa second fastest ay P5,000 samantalang sa third fastest ay P3,000. Mga hosts ng ating pasabong dito sina coliseum manager Alex Tobias at Big Boy Cavite group.

At simula naman sa Agosto 1, ang gagawing pagbisita sa farm-to-farm screening ng mga stags bilang preparasyon sa LPC 7-Stag derby. Ito ay nakatakda sa Agosto 23 at 25. Maaaring dalhin na rin ang mga stags sa LPC office tuwing Sabado at Linggo. Awtomatikong tatanggapin ang mga banded stags.

Para sa iba pang katanungan at impormasyon, maaaring po kayong tumawag sa 873-1040 at 0927-7101671 o 0926-7450375 at hanapin sinuman kina Rudy o Julius. Pang-masa derby sa San Juan coliseumMagkikita ngayon sa San Juan Coliseum ang mga sabungero ng Makati, Quezon City, Pasig, Mandaluyong at San Juan para maglabu-labo sa Pangmasa 4-Cock derby. Pasisiglahin ito ng mahigit sa 60 na sultada. Sa ika-5 ng hapon ang simula ng sagupaan.

Ang papremyo rito ay ikinasa sa P300,000. Ang may mga pasabong ay sina Cesar Sto. Domingo, Renato Shio at Louie Cua.

Ang Sagupaan Complexor 3000 ang siyang tagapag-taguyod ng pasabong na ito na sinusuportahan din ng SJC Cockers Club at Gentlemen Cockers Association of the Philippines (GCAP).

At ngayon pa lamang ay inihahanda na rin ang Pit Games Showdown 6-Stag derby. Sina Danny Ty at Manny Barbano ang magiging punong abala sa darating na Setyembre 1, 3 at 5.

Ang format, ayon kay Bernabo, ay P1.5-milyon ang garantisadong premyo. P12,000 ang entry fee nito at P5,500 naman ang siyang magiging minimum bet.

Sa Agosto 3 naman mag-uumpisa ang screening ng mga stags. Makipag-ugnayan lamang po kayo sa 0917-8277484 kay Danny Ty, 0920-2978341 kay Jo. O tumawag kayo sa 725-5369 at 831-0672 para sa inyong nais na karagdagang kaalaman.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: