Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

Killer RORO overloaded

ILANG minuto bago tumulak sa karagatan, ang naaksidenteng roll-on-roll-off (RORO) vessel na M/V Blue Water Princess ay nakapagsakay pa ng maraming pasahero mula sa lalawigan ng Quezon.

 

Ganito ang tema ng naging pahayag ng kapitan ng nabanggit na barko na si Virgilio Retardo sa isinasagawang imbestigasyon ng Special Board of Marine Inquiry tungkol sa nangyaring trahedya noong nakaraang Hulyo 12.

Ngunit napag-alaman na hindi umano maipaliwanag ni Retardo kung bakit lubhang napakaraming na-rescue na mga pasahero sa naturang insidente kaysa sa nakatalang 28 pasahero sa kanilang manipesto.

 

Pero inamin naman ng naturang opisyal ng barko na hindi na hila nakontrol ng dumagsang mga pasahero para humabol sa pag-alis ng barko.

 

Samantala, nakatakdang siyasatin ng mga imbestigador kay Retardo kung papaano itinali ng mga tripulante ang mga “rolling cargo” na lulan ng M/V Blue Water Princess.

 Napag-alaman na ang pagdausdos ng mga “rolling cargo” nang masadsad ang naturang barko ang sinasabing naging dahilan para tumagilid ito at lumubog kung saan ay maraming pasahero ang napaulat na namatay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: