Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

Kamag-anak ni Bunye tinambangan

NABABALOT ng misteryo ang nangyaring pananambang at pagbaril sa isang kamag-anak ni Presidential spokesman Ignacio Bunye sa Muntinlupa City nitong Martes ng gabi. Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung ano talaga ang motibo sa ginawang pananambang kay Robert Bunye na isinagawa ng dalawang armadong lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo. Napag-alaman na si Bunye, na bukod sa kamag-anak ng nabanggit na opisyal sa Mala-kanyang, ay siya ring City Administrator ng lungsod ng Mun-tinlupa. Batay sa inisyal na ulat, binabagtas ni Bunye ang kahabaan ng isang kalsada sa distrito ng Putatan na lulan ng kanyang Toyota Revo nang bigla na lamang siyang tabihan ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ito. Bagama’t nasugatan, nagawa pa rin ni Bunye na humarurot at nakapagmaneho pa hanggang sa Muntinlupa Medical Center para magpagamot, ngunit inilipat din ito ng kanyang mga kamag-anak sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang. Samantala, nakakuha ang mga imbestigador ng mahigit 20 basyong shells ng kalibre .45 na bala sa lugar na pinangyarihan ng insidente, ngunit isang bala lamang ang tumama sa katawan ni Bunye.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: