Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

Biado, Bustamante sasargo sa Korea

NAKATAKDANG sumargo ngayon ang dalawa sa pinaka-mainit na kabataang manlalaro sa bansa na sina Carlo “Cool” Biado at Joven “The Giant” Bustamante sa pagbubukas ng pinaka-aabangan na 4th annual Korea International Championships na gaganapin sa Seoul Palace Hotel sa Seoul, Korea.

Sina Biado at Bustamante, dalawa sa rising star ng Bugsy promotion, ay makakalaban ang ilan sa pinakamagagaling  na bilyarista sa buong mundo na kinabibilangan nina former world champion Thorsten Hohmann at Ralf Souquet ng Germany, Mika Immonen ng Finland, at Charlie Williams ng United States.

 

 $7,000 ang tatanggapin ng magkakampeon, ayon sa tournament organizer na Dragon Promotion.

Ang 25-anyos na si Biado ay nagtatangkang mahigitan ang Japan Open performance niya dito sa Korean Open matapos mabigong makapasok sa money round.

“Nabigo akong makapasok sa knock-out stage sa Japan Open sa taong ito kaya babawi ako sa Korean Open,” ani Biado na puspusan ang ginagawang pagsasanay sa Bugsy Lair’s Billiard hall sa Quezon City, kasama na ang pagsasagawa ng 50 racks a day.

Habang ang 28-anyos naman na si Bustamante, na malayong kamag-anak ni former world No. 1 pool player Francisco “Django” Bustamante, ay nag-third place sa 2007 World 8-Ball championship sa Fujairah, United Arab Emirates sa taong ito. Ang kapwa Bugsy stablemate na si Ronato Alcano ang nagkampeon habang si Dennis Orcollo naman ang nag runner-up place.

“Gagawin ko ang best para makapagdala ng karangalan sa bansa,” sabi ni Bustamante, na pinatalsik si Alcano sa 2nd BSCP Open sa taong ito.

Si Joven, na binansagan ding “Shark” sa pool world, ay ang 2004 Abu Dhabi 8-Ball Open champion.

Sina Biado at Bustamante ay kalahok din sa country’s first-ever Poker Pool Tour na tinampukang Sargo’s Pool Classics na gaganapin sa Bugsy Lair’s Pool Haus sa Quezon City, at ang initial telecast nito sa programa ng RPN-9 na “Pare” ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi tuwing Sabado at magsisimula ito sa Agosto 11, sa pakikipagtulungan ng Solar Entertainment Corporation. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: