Posted by: thecommuterexpress | July 26, 2007

200-kilo bomba sa Gensan

LAKING gulat ng ilang residente sa General Santos City matapos silang maka-hukay ng isang 200-kilo na bomba na pinaniniwalaang naiwan ng mga undalong Hapones noong nakaraang World War II.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Maynila kahapon, nagulat ang isang residente nang makatagpo ito ng bomba na nakabaon sa compound ng isang nagnga-ngalang Jose dela Cruz.

 

Ang naturang residente na kinilalang si John Gelana ay naghuhukay sa nabanggit na compound nang makatagpo ito ng isang bakal na unti-unting umuusli.

At habang hinuhukay niya ito ay nabigla siya nang madiskubreng bomba na pala ang kanyang nahuhukay.

Kaugnay nito, agad rumis-ponde ang mga tauhan ng Explosive and Ordinance Division ng General Santos City police department at maingat na inalis nila ang naturang 200 kilong bomba ng mga Hapon at dinala ito sa isang lugar at doon na tuluyang pinasabog.

Sinabi ng mga imbestigador na maaring ibinaon nga ng mga sundalong Hapon ang natag-puang bomba dahil ang lugar kung saan natagpuan ito ay ginamit umano na isang “garrison” noong psnahon ng Hapon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: