Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Simbahan, gobyerno vs dengue sa Iloilo

BAGAMA’T hindi dapat silang makialam sa pamamalakad ng pamahalaan, pinayuhan naman ang mga pari na makiisa sa gobyerno sa ginagawa nitong kampanya upang mapaglabanan ang nakamamatay na sakit na dengue – sa Iloilo.  

Kaugnay nito, nagpalabas na kahapon ng isang “circular” si Iloilo archbishop Angel Lagdameo upang himukin ang mga pari at mamamayan sa Iloilo na makiisa sa isasagawang kampanya laban sa sakit na dengue.

Si Lagdameo, na siya ring namumuno sa maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ay nagmungkahi din ng pagkakaroon ng isang disaster management and coordinating committee sa bawa’t parokya na may pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Sa ipinalabas na circular ni Lagdameo, inaatasan din niya ang mga pari na isama sa kanilang sermon ang panganib na naidudulot ng pagkalat ng sakit na dengue, lalo sa ganitong panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Lagdamaeo ang mga pari sa Iloilo na mag-organisa ng mga grupong magsasagawa ng paglilinis sa kapaligiran at sa mga lugar na maaring pamugaran ng mga dengue-carrying mosquitoes.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: