Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Pagkatapos ng SONA, ASEAN naman

MATAPOS nilang mapanatili ang kaayusan sa katatapos lamang na isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa Batasan Complex sa Quezon City, itinutuon naman ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang atens-yon sa nalalapit na gaganaping Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit sa Pasay City.    

Kaugnay nito, napag-alaman na nagbuo na si PNP chief Oscar Calderon ng isang high-level security force na pamumunuan ni PNP deputy director for administration Deputy Director General Avelino Razon Jr. para masiguro ang pagsasaayos ng maigting na seguridad para sa mga delegadong mula sa ibang bansa na dadalo sa naturang pagpupulong.

Sinabi ni Calderon na bagama’t wala pa namang direktang “threat” sa gaganaping summit, hindi magpapabaya ang PNP upang mapangalagan ang seguridad ng mga delegado.

Ang nabanggit na Asean summit at gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City sa darating na Hulyo 29 hanggang Agosto 2.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang pulisya ng “dry run” ng kanilang ilalatag na seguridad para sa mga dadalong bisita.

Sa panig naman ni Pasay City police chief Sr. Supt. Marietto Valerio, lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang pagpapatrolya sa knilang nasasakupan upang hindi na muling mangyari ang naganap noon sa isang Belgian delegate na sinasabing nabugbog at pinagnakawan sa lungsod habang ginaganap ang pagpupulong ng International Parliamentary Union noong 2005.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: