Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Pagkapkap bawal na sa NAIA

MATAPOS makatanggap ng ulat na may mga turistang umano’y nagiging biktima ng “bilis ng kamay,” inatasan na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na huwag nang kapka-pan ang mga pasaherong dumad-ating at umaalis sa naturang paliparan.   

Batay sa ulat ng radio station dzBB kahapon ng umaga, nakatanggap umano ng ulat ang mga opisyal ng BI mula sa mga turista, partikular sa mga Japanese nationals, na nawawalan sila ng wallet o iba pang bagay matapos silang makapkapan sa NAIA.

Ngunit hindi naman ipina-liwanag ng ilang opisyal ng BI kung kasama ang mga pulisya sa naturang paliparan sa pag-babawal na mangapkap sa mga pasahero.

Samantala, dahil sa inaa-sahang pagdating ng halos 1,500 mga delegado sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit sa bansa, nagsasagawa na rin ng paghahanda ang mga awtoridad sa NAIA upang mapangalagaan ang seguridad ng mga ito.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Alfonso Cusi sa kanyang mga tauhan na paigtingin ang seguridad sa NAIA para maipa-kita sa mga darating na delegado na maganda ang pamamalakad sa naturang paliparan.

Aniya, ngayong linggo pa lamang ay tinatayang 1,000 mga delegado na ang darating sa bansa sa pamamagitan ng NAIA, kung saan ay dadalo ang mga ito sa Asean summit sa darating na Hulyo 29 hanggang Agosto 2 sa Philippine International Convention Center.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: