Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Maraming espekulasyon sa paglipat ni Angel sa Dos

Ni Benjie Felipe

MATAPOS nga naming ilabas sa “The Buzz Magasin” na tuluyan nang iiwan ni Angel Locsin ang GMA-7, ang network na nagpasikat sa kanya ng todo, ay marami pang lalo ang espekulasyon na naglabasan. May mga bumabatikos sa aktres na isa itong ingrata dahil ang Siyete raw na pinagkaka-utangan niya ng loob ay bakit tinatalikuran na niya?

Lalo pang lumala ang mga ‘tira’ kay AngelBabes ng ilang manunulat dahil sa ABS-CBN pa ito ngayon nakikipagnegosasyon at halos inamin na rin ng kanyang amang si Mr. Angel Colmenares at ng manager ng aktres na si Becky Aguila na malamang sa Dos na nga sila pipirma ng kontrata pagkatapos mag-aral ng dalawang buwan ni Angel sa London ng kursong interior design.   

Si TsongkiBenj ay nagtataka kung bakit dehins maunawaan ng maraming taga-industriya ang mga ta-artits na nagpapasyang lumipat ng bakuran? Bakit ba ingrata ang tawag sa mga artista na nagnanais sumubok sa ibang kompanya? Alam ng lahat ng artistang ‘matitino’ na ang industriya ng pelikula at telebisyon ang tunay na ungrateful. Kapag sikat ay kayraming trabaho at kayraming sumisipsip at nag-aalaga sa isang artista. Kapag nalaos ay halos wala nang pumapansin at talagang nagugutom ang laos na artista.

Kaya kung may tulad ni Angel na sumusubok sa ibang bakuran, isa itong paraan para sa exploration. Alam nila na may oras ng pamamayagpag at may panahon ng pananahimik o pag-iiba ng larangan. Kaya nga malinaw na gusto ng ama niya na bigyan rin ng panahon ni Angel ang pag-aaral dahil fall back ito.

Sang-ayon kami kay Boy Abunda na sa napakaliit na industriyang ito, wala dapat ‘goodbyes’ kundi ‘see you again’ lang ang panambitan sa paalaman. Sang-ayon rin kami sa pahayag ng ama ni Angel na well compensated naman ang pagsuporta ng GMA-7 sa kanyang anak dahil naibalik naman niya kung ano ang dapat na trabahong inaasahan sa kanya. Kumbaga, habang sumisikat si Angel ay nakikinabang rin ang Siyete.

Wala itong ipinagkaiba sa anumang uri ng trabaho, mga tsongkibabes at tsangkibabes, habang tayo ay kawani ng isang kompanya na kumikita ng pera, ang ating mga employer ay nakikinabang naman sa lakas, talento at kakayahan nating manggagawa. Kaya kung nais nating lumipat ng ibang trabaho, basta wala tayong nilalabag na kontrata, malaya tayong makapamimili kung saan natin gustong magsimulang muli.

Samakatuwid, bigyan natin si Angel Locsin ng pagkakataong makapagsimulang muli sa bakuran ng Dos na tiyak naman mag-aalaga rin sa kanyang kapakanan dahil sikat pa siya ngayon e!

Hihilingin ko rin nga sana sa mga utoy at ineng natin na suportahan sana palagi ang lahat ng tinangkilik nilang artista kahit laos na, pero kung bakit pati ang manonood ay kabahagi ng pagiging ungrateful ng industriyang ito, ang sagot diyan ay malinaw. Dahil commodity lang ang totoong turing ng mga producers sa mga artista, commodity rin ang nagiging pananaw sa kanila ng manonood.

Kung may law of supply and demand sa business sector, dehins kaiba rito ang showbusiness. Kapag sikat at marami ang gustong makapanood sa isang artista, marami siyang project. Kapag matamlay na ang demand sa kanya ng manonood, papalitan na siya ng bago para may fresh face na mapapanood.

Masisisi ba natin ang kampo ni Angel Locsin kung naiisip nila ang bagay na ito?

* * *

Ang magiging kapalit ni Angel sa GMA-7 ay nakikini-kinita na ni TsongkiBenj na si Marian Rivera. Swak na swak naman siya bilang “Marimar” dahil talaga namang sexy at maganda ang dalagang ito. Huwag lang ipilit na sila na ngayon ni Dingdong Dantes dahil magiging hilaw ang ganitong istilo. Magsama na lang sila sa nabanggit na Pinoy Version ng Mexican Novelang patok na patok noong 1997 na ginampanan ni Thalia. May dating naman sina Direk Dingdong at Marian as love team, eh.

Suwerte rin si MarianBabes dahil kung tutuusin, pagtanggi ni Angel sa papel ni Marimar ay alaws ibang bagay kapalit kundi siya. Kaya rin tiyak na all out ang support na gagawin ng network kay Marian para marating nito ang level na narating ni Angel.

Samantala, pahuhuli ba ang Dos? Dehins! May bagong teleserye rin agad ang kontrobersiyal na housemate na si Wendy Valdez. Ito ang “Margarita” na siya ang bida at ang plugging pa nga sa “The Buzz” ay halaw ito sa tunay niyang buhay.

Pero teka muna, mga tsongkikoy, dehins naman true to life ito ni WendyBabes.

Nagkamali lang ang writer sa teaser at agad namang itinuwid ni Wendy na may bahagi sa kuwento na karanasan niya talaga pero ang bahaging pokpokita ang character ay dehins niya ginawa sa tunay na buhay ‘no! Disente naman ang alaga ni katotong Ambet Nabus.

So labanan ito nina Wendy at Marian. Isang nakilalang ‘kontrabida’ na mamahalin ng manonood sa pagbabagong-bihis nito, laban sa isang kilalang inosenteng dalaga na magbabagong-bihis rin at magpapaka-daring sa sexy role!

May nagsasabing ayaw pa rin nila kay Wendy dahil dehins pa burado ang mga nagawa nito sa loob ng bahay ni Kuya. May nagsasabi ring dapat bigyan na ng pagkakataong maipakita ni Wendy ang tunay na siya ngayong tapos na ang contest sa PBB.
May nagsasabi namang ang ganda ng career move ni Marian dahil tiyak na siya na ang susunod na magiging reyna ng Siyete kapag pumatok ang “Marimar” at may nagkokomento ring pilit na pilit ang pagganap niya sa pinasikat na character ni Thalia dahil ‘tandain’ ang mukha ni Marian at may ginampanan na nga raw itong mother role sa GMA-7.

Anu’t-anuman, panalo na ngayon pa lang ang Dos. Ba’t ‘kamo mga tsong at tsang? Aba’y may tunay na prinsesa na sila sa katauhan ni Angel Locsin at kung uugong man ang labanang Wendy versus Marian, labanan lang ito ng mga prinsesita.

Hebigat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: