Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Corteza, Pagulayan nanguna sa RP contingent

PINANGUNAHAN nina reigning national open champion Lee Vann Corteza at 2004 World 9-Ball champion Alex Pagulayan ang Philippine contingent para sa fifth at final leg ng Guinness 9-Ball tour na sasargo sa Agosto 3 hanggang 5, sa Shanghai Hotel sa Shanghai, China.    

At ganito ang naging ang pahayag ni Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) president Ernie Fajardo, “Yes, it’s official, Lee Vann (Corteza) and Alex (Pagulayan) are the BSCP choice for the fifth and final leg of the Guinness in Shanghai, China.”

“Yung kaso ni Lee Vann ay nag-agree ang board kasi mataas yung kanyang ranking points. Besides, ‘yan din ang mungkahi ni Alex ng kami’y nasa Singapore leg,” sinabi pa ni Fajardo.

Habang ang dalawang entries na sina double world champion Ronato Alcano at Roberto Gomez ay naging organizer’s top choice naman.

Matapos ang four city-leg, apat na Taiwanese ang nasa top-4 standings na kinabibilangan nina: No 1 – Yang Ching-shun (175 points/Chinese-Taipei); No 2. – Chang Jung-lin (170 points/Chinese-Taipei); No. 3 – Chao Fong-pang (150 points/Chinese-Taipei); at No.4 – Wu Chia-ching (120 points/Chinese-Taipei).

Si Ricky Yang ng Indonesia sosyo kay Wu sa 4th hanggang 5th place na may identical 120 points ang bawat isa. At si Alcano ay solo 6th na may 110 points.

Ayon naman kay Dux Carvajal ng ESPN, malaking factor para sa apat na Pilipino na makapasok sa Grand Finale kung hindi maglalaro ang mga Taiwanese sa last leg dahil sa sinasabing government conflict relations.

“Kapag hindi sumali yung mga Taiwanese sa last leg ay malaki ang pag-asa ng Pilipinas na makapasok sa Grand Finale sa Bali, Indonesia sa Aug. 31-Sept. 2,” ani Carvajal.

Samantala, personal naman na manonod si Negros Billiard Stable (NBS) president/sportsman Jonathan “Bacolod” Sy sa Shanghai, China para magbigay ng moral support kay Corteza.

Sa katunayan, isasabak ni Sy si Corteza sa 2007 Cebu Open sa darating na Hulyo 27 hanggang sa 29 sa SM Cebu, bilang paghahanda sa Guinness stint. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: