Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

Bansot derby ngayon sa Dinalupihan Coliseum

Ni Galman

NAIIBA naman po to ngayon. Ang pagkakaroon ng Special 2-Cock derby na may bagong format ang inaasahang dadayuhin ng mga sabungero sa Dinalupihan Coliseum na nasa Bgy. San Ramon, Dinalupihan, Bataan.

Magsisimula ang pasabong sa ika-2 ng hapon.     

Ipinaliwanag ni pit manager Maning Inza Cruz na lahat ng 50 participants ngayon ay nagkakaisang magpasok ng mga panabong na may timbang na 1.8 kilogramo o mas mababa pa.

Kaya naman tinawag itong “bansot derby” dahil lahat ng mga manok na isasabak ay maliliit. Kaya magandang labanan ito at kaaliw-aliw ayon kay Cruz. Host sa naturang pasabong ang YS 33 group na siyang cockpit operator.

At sa muli ay ipinapaalala na ginaganap sa Dinalupihan Coliseum ang Two Hits Ulutan.

Ito ay walang entry fee at sa tuwing Martes at Biyernes ito nakasalang. Mayroong P8,000 ang premyo ng bawat kampeon. Para sa iba pang kaalaman, mangyaring tumawag kayo kay Dang sa 0918-5641151 o kay Jay sa 0920-5618002.

Pit Games Showdown sa SJC

Opisyal nang inihayag na sa San Juan Coliseum na gaganapin ang 2007 edition ng Pit Games Showdown 6-Stag derby. Ito ay nakatakda sa Setyembre 1, 3 at 5.

Magkatuwang na inihandog ni Manny Berbano, publisher ng Pit Games magazine, at Danny Ty, na bantog sa kanyang entry name na Showdown, ang naturang pasabong.
Garantisadong P1.5-milyon ang papremyo sa pasabong na ito, ayon pa sa mga hosts. Ang kailangang entry fee ay P11,000 at P5,500 naman ang magiging lowest bet.

Ang mga panabong ay kailangang tumimbang ng 1.7 hanggang 2.1 kilograms. At pawang mga stags na may walo hanggang 10 buwan lamang ang edad ang ilalaban.

Mag-uumpisa ang screening ng mga stags sa Agosto 3. Ito ay pamamahalaan nina datnig mayor Juancho Aguirre ng Negros Occidental, Buddy Puertas, Allan Lucasan at vice mayor Homer Salgado. Para sa iba pang kaalaman, mangyaring tumawag kayo sa 725-5369 at 0917-8277484.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: