Posted by: thecommuterexpress | July 25, 2007

BALIKBAYAN, INA UTAS SA KAWATAN

ISANG kauuwi lamang na overseas Filipino worker (OFW) at ang ina nito ay pinaniniwalaang inutas ng mga hindi pa nakikilalang kawatan sa loob ng kanilang bahay sa Balanga City sa lalawigan ng Bataan nitong Lunes ng hapon.

Batay sa ulat ng dzRH radio station kahapon, ang balikbayan na si Erwin dela Cruz, 28, at ina nitong si Emily Bugay, 50, ay natagpuang duguan at patay na sa loob ng kanilang tahanan sa Doña Francisca subdivision sa Balanga.

Ayon naman sa ama ng biktima na si Ernie dela Cruz, nadiskubre lamang niya ang masaklap na nangyari sa kanyang pamilya nang umuwi ito dakong 4:30 ng Lunes ng hapon mula sa kanyang pagsasaka sa kanilang bukirin.

Sinabi pa nito na noong dumating siya sa kanilang bahay ay talagang magulong-magulo ang loob nito at napansin niyang nawawala na ang kanilang pera, mga alahas, at iba pang mahahalagang bagay.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na hinataw muna ng matigas na bagay ang ulo ng dalawang biktima bago ito pinag-sasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi pa matukoy na bilang ng mga salarin.

Ngunit sinabi ng pulisya na tinitignan pa rin nila kung mayroon pang ibang motibo sa nangyaring insidente.

Nabatid din ng pulisya na si Erwin, na nagtrabaho sa ibang bansa na hindi na pinangalanan ay kararating lamang sa Pilipinas mga dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: