Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

OFW sa UAE tina-target ng panibagong text scam

ISANG panibagong text scam ang umano’y bumibik-tima ngayon ng mga Pili-pinong naglilingkod at nani-nirahan sa United Arab Emirates (UAE), ayon sa babala ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Ayon naman sa ulat ng pahayagang Khaleej Times sa UAE, ang naturang scam ay kadalasang tina-target ang mga Pinoy doon na gumagamit ng Philippine-based roaming mobile phone number.

Kaugnay nito, sinabi ni Consul Vicente Vicencio Bandillo na ang DFA sa Maynila ay sinisiyasat na ang kasong ito at nagpalabas na rin ng kaukulang memorandum sa lahat ng Philippine missions sa buong mundo.

Bagama’t wala pa namang Pinoy na naloloko ng naturang scam sa UAE, nagpaalala si Bandillo sa mga ito na palagiang maging maingat dahil ang mga pinapadalang mensahe ng mga nagsasagawa ng scam ay gumagamit ng mga salitang tila mahirap tanggihan.

“We have been duly warned by the DFA that the company GMA-CF, which claims to be the organizer of this electronic raffle draw, is not registered with the Securities and Exchange Commission (SEC) in Manila. The text message is therefore considered a hoax,” ani Bandillo.

Napag-alaman na ang text message na ipinapadala sa mga bibiktimahin ng text scam ay nagsasaad na nanalo ang nakatanggap nito ng halagang $40,000 mula sa umano’y proyekto ni Pangulong Arroyo na “Pangkabuhayan 2007 Para sa Kababayang Overseas Filipino Workers” livelihood program.

Pero bago maipadala sa nanalo ang naturang halaga ay kailangan muna nitong magpadala ng halagang $400 sa isang tao sa Maynila sa pa-mamagitan ng Western Union bilang “processing fee.”


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: