Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

Nakatatak na ang galit ni Maui Taylor kay DJ Mo Twister

eXpress Scoop ni Ruel Mendoza

HANGGANG ngayon pala ay ‘di pa napapatawad ni Maui Taylor si DJ Mo Twister. Kahit na nga raw nag-sorry ito sa kanya, ‘di pa rin daw convinced si Maui na sincere ito sa paghingi ng sorry sa kanya.

Sey ni Maui ay hindi raw niya makalimutan ang ginawang pambabastos ni DJ Mo sa kanya sa radio program nito. Binalak na talagang mag-resign ni Maui sa mismong birthday niya pero inunahan daw siya ng pagtalak ni DJ Mo.

“He was very rude to me,” kuwento ni Maui. “Kalalake niyang tao pero para siyang babae kung tumalak. Yung ayaw namin became too personal na kaya nagawa niyang bastusin ako on-air. Yun naman ang hindi ko na pinalagpas. Noong binastos niya ako, binastos ko rin siya. Pero tinapos ko ang trabaho ko sa radio show at hindi ako nag-walkout.”

“Napag-alaman ko na he really wanted to get rid of me. Ewan ko kung bakit, pero somebody told me na gusto na akong tanggalin ni Mo as his co-host. May gusto raw siyang ipalit sa akin pero wala siyang makitang reason to kick me out. Hanggang sa nangyari iyong incident na iyon. But prior to that incident, may problema na kami.”

Hindi nga raw napanood ni Maui ‘yung paghingi ng sorry ni DJ Mo sa kanya on television. Sana raw ay personal itong humingi ng sorry sa kanya at hindi ‘yung nagpapaawa pa ito sa TV.

“Naku, sana sincere siya sa sinabi niya, ‘di ba?” tawa ni Maui. “Hindi ko na kasi alam kung ano ang totoo kay Mo, eh. He claims na ayaw niya ng showbiz na tao, pero siya mismo ang showbiz-showbiz niya!

“May nagsabi lang sa akin na he said sorry to me on TV pero sana mas na-appreciate ko kung personal siyang tumawag sa akin. Mas sincere sa akin iyon. Para ano pa ‘yung nag-sorry siya sa TV para lumabas na ako pa ang may kasalanan at siya itong magpapaka-underdog? Hello! Ano ‘yon?”

Mapapatawad daw ni Maui si DJ Mo in due time. Isang buwan pa lang naman daw ang nakakaraan at medyo fresh pa sa alaala ni Maui ang ginawang kabastusan ni DJ Mo sa kanya.

“I’m a forgiving person but I never forget. Kung may ginawa kang hindi maganda sa akin, nakatatak na sa akin ‘yan. Kumbaga, may wall na at ‘di na tayo puwedeng maging as close as before.”

“It’s the same with Mo. Kung magkakaayos kami in the future, hanggang doon na lang. Yung dating closeness at friendship namin, ‘di na ‘yun mauulit pa kasi nakilala ko na siya. Nalaman ko na ang tunay na kulay niya.”

Kakapirma lang pala ng bagong managerial contract si Maui Taylor sa Viva Artist Agency. Okey lang daw na balikan ni Maui ang pagpapa-sexy sa pelikula dahil nagbabalik na naman nga ang mga sexy movies ulit.

* * *

Hindi kami masyadong na-impress sa unang horror flick na ginawa ng young independent filmmaker na si Toppel Lee. Ito ay ‘yung Dilim na we thought was such a mediocre.
Pero mukhang very promising itong si Direk Toppel dahil marunong siyang gumamit ng mga iba’t ibang klaseng visuals. Marunong laruin ni Direk Toppel ang mga camera shots niya and to use it to tell a story.

Palibhasa’y bata pa kaya punung-puno pa siya ng ideas.

Nagustuhan namin ang second horror movie niya, ang Yaya episode ng Shake, Rattle & Roll 8. Doon ay pinaramdam ni Direk Toppel na he’s not just good in handling his camera but in telling a good narrative as well. Maayos din niyang napaarte ang kanyang mga artista, most especially ang child actor na si Nash Aguas and Iza Calzado as the terrifying aswang nanny.

In his third horror movie, mas malaki na nga ang budget and he was given a bigger and more competent performers. The horror film Ouija makes Toppel Lee one of the most effective horror film directors of his generation. Though may mga pinaggayahan na mga eksena from other Asian horror movies ang Ouija such as The Ring, The Grudge and Tale Of Two Sisters, the film stands out dahil with his almost flawless visual design and implausible cinematography.

Unlike other directors na kapag tumutok sa mga technical aspects ng pelikula ay nakakalimutan na ang pinaka-basic ingredients ng isang pelikula which is the screenplay and the actors performances, hindi nagpabaya si Direk Toppel because he was able to translate the film’s script to the big screen effectively and he gets vast performances from the entire cast.

Kayhusay nila Judy Ann Santos at Jolina Magdangal bilang half sisters na parehong lumaban sa masamang espiritu na gustong sumira sa kanila. First time naming mapanood si Jolina in a different role at effective siya as the emotionally affected half-sister.

Minani-mani naman ni Judy Ann ang pagganap as a unsympathetic and cold-hearted half-sister. Kaya naman pala niyang magpakakontrabida without the usual kontrabida looks.

Pinakita rin ni Rhian Ramos na she’s the “It Girl” to watch out for sa GMA-7 dahil sa kanyang portrayal as the tormented teen who lost both her yaya and boyfriend nang dahil lang sa Ouija.

Pero ang dapat abangan ng marami ay ang mga eksena ni Iza Calzado because she not just look so stunning on the big screen, she delivered her role as a stage actress obsessed with her own beauty perfectly. Gustung-gusto namin ang eksena niyang nag-apply pa siya ng lipstick bago sila humarap muli sa Ouija Board.

Sa July 25 na pala ang showing ng Ouija na produced ng GMA Films at Viva Films.

Kasama rin sa cast sila Perla Bautista, Ruby Rodriguez, Desiree del Valle, JC de Vera, Valeria Concepcion, JC Cuadrado and Ms. Anita Linda. May special participation nga sila Ryan Agon-cillo at Bebong Muñoz.

* * *

Tuwang-tuwa nga si Alfred Vargas dahil sa wakas ay lumabas na nga siya sa Impostora. Matagal na kasing tumatakbo sa TV ang naturang soap drama na bida sila Iza Calzado at Sunshine Dizon at marami nang nagtatanong kung kelan siya lalabas?

“Akala ko nga hindi na ako magte-taping, eh,” ngiti pa ni Alfred. “Pero nakatulong din na matagal akong pinasok kasi I had the time to work out and go through my diet. Tumaba kasi ako, ‘di ba? Kaya just in time noong tinawagan na ako for taping, pumayat na ulit ako.”

Inamin nga ni Alfred na nagkabalikan na nga sila ng kanyang on-and-off girlfriend na si LJ Reyes. Mas nagkakaintindihan daw sila ngayon kaya panahon na raw na subukan ulit nila ang magkaroon ng relasyon.

“Gano’n naman yata talaga, ‘di ba? Sa una magkakaroon ng kakaibang adjustment. Aminado naman ako na naging masyado akong busy sa trabaho at nakalimutan ko na ang tungkol sa relasyon namin.”

“This time, we want to make it work and we want to keep the relationship solid. Mas naging open ang relationship namin ni LJ and nabawasan na ang pagseselos sa amin. Yang selos na ‘yan, ‘yan ang makakasira talaga ng relasyon. Kaya mas better itong open kaming dalawa parati.”

Bukod sa pag-taping ng Impostora, magsisimula na si Alfred sa shooting ng Metro Manila Film Festival entry na Banal with Christopher de Leon and Paolo Contis. Ididirek ito ni Cesar Apolinario na isa sa mga prime news reporters ng GMA News and Public Affairs.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: