Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

LRT, MRT bantay-sarado sa PNP

KAUGNAY ng isinagawang State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo kahapon, ang mga hindi itinalagang pulis sa Batasan Complex sa Quezon City ay mahigpit na pinagbantay naman sa mga “vital installations” sa Kamaynilaan.

Dahil dito, inatasan kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Calderon ang iba pa niyang tauhan na magpatupad ng “double security” sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) at iba pang mahahalagang pasilidad sa Kamaynilaan.

Kaugnay nito, nag-order din siya ng pagkakaroon ng police visibility sa iba’t ibang mall, park, mga simbahan at iba pang lugar na madalas pinupuntahan ng mga mama-mayan.

Ngunit kapuna-punang napakahigpit ng seguridad na ipinatupad sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City kung saan nagpahayag ng kanyang SONA ang Pangulo.

Bagama’t napakaraming pulis at sundalong itinalaga sa nabanggit na lugar ay hindi pa rin naiwasan na may mga napaulat na insidente kung saan ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga awtoridad at mga nagsagawa ng kilos-protesta.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: