Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

Gaano kaya kainit ang lovescene nina Aga at Maricel Soriano sa ‘A Love Story’

Starbuzzer ni Liza Endaya

NAKAKAALIW ang “Eat Bulaga” last Saturday dahil may ale na nanalo ng isang Innova at P120,000. Halos himatayin ang winner dahil hindi inaasahan ang biro-biro lang ni Anjo Yllana na ang kanyang ‘honey’ ay dapat pumunta ng studio para siyang mag-drive ng van. Suwerte rin ang home partner dahil katulad ng napanalunan ng studio contestant ang kanyang nakuhang mga premyo.

In between commercials kasi ay inililipat namin ang aming channel mula “Wowowee” at pasilip-silip kami sa EB. Marami pa rin silang dapat baguhin sa show para tuluyang maibalik ang sigla dahil talagang namamayagpag ang Dos sa noontime show ngayon.

Siyempre kay Pia Guanio ay naaaliw kami dahil bukod sa cute siya, fresh palagi ang dating. Pero ang iba sa kanila ay dapat na siguring ma-reinvent ng mga sariling careers.
Si Pia nga pala ay maraming mall tours para sa Pervil Magic Cream at may bagong ila-launch na product si Tita Tess Villanuea ng Pervil, na kailangang-kailangan ng mga tao, lalo na ang mahihilig sa Internet at nagbababad palagi sa radiation nito.

Abangan po natin ‘yan…

* * *

Matagal na raw fan ni Aga Muhlach si Maricel Soriano. Pero mas pinahanga daw ng aktor ang Diamond Star nang magkatrabaho na ang dalawa sa unang pagkakataon. Magkasama sina Aga at Maria sa latest starrer ng Star Cinema, ‘A Love Story’ na 14th anniversary presentation ng movie outfit.

“Fan na niya ako noon pa! Uy! Kaya naman tuwang-tuwa ako nang magkasama kaming dalawa ni Aga sa pelikula.”

“Pero mas bumilib talaga ako sa kanya dahil mahusay na artista at totoong tao. Kaya naman ang sarap katrabaho.”

“At kahit light scenes o heavy man ang mga eksena namin, masaya kaming lahat sa set. Lahat excited at talagang gusto naming gawin ‘yung movie,”kuwento ng Diamond Star.
May mga kissing scenes at lovescenes din sina Maria at Aga sa pelikula, maging ang isa pang leading lady sa movie na si Angelica Panganiban.

With regards to Angelica, thankful ang young actress dahil sa kanya napunta ang magandang role niya sa ‘A Love Story.’ In fairness sa magandang aktres, last year pa raw ‘yon sinabi sa kanya ng Star Cinema at nasorpresa na lang siya nitong January nang ibigay sa kanya ang script at isa na nga siya sa final cast nito.

Base sa trailer ng ‘A Love Story’ na napanood namin, talagang nagpatalbugan sa acting ang cast at mukhang may kakaibang twist ito. Kaya naman kaabang-abang na panoorin ang bagong obrang ito ni Direl Maryo J. delos Reyes.

Sa August 15 na ang regular showing nito sa mga sinehan samantalang may premiere naman sa August 14.

So there.

* * *

Aminado si Zanjoe Marudo na kung magkaka-boyfriend na nga si Mariel Rodriguez ay mami-miss niya ang kanilang pagha-hang out at ang kanilang kakaibang closeness na dalawa.

Kung may malapit daw kasing babae sa showbiz ngayon sa model-actor, ‘yon ay walang iba kungdi si Mariel.

At ngayong mukhang talagang open na sa kanyang panliligaw sa TV host si Luis Manzano, si Zanjoe na raw ang magkukusang umiwas kay Mariel para hindi na siya maging sagabal pa sa mga ito.

“Kung mawawala ‘yung ganung bagay kay Ma (tawag niya kay Mariel), sa akin, parang malaking kawalan, siyempre, mami-miss ko rin’yon.”

“’Yung friendship at closeness namin? Siguro maaapektuhan din siyempre, hindi na kami dapat maging ganun ka-close.”

“Kasi kung magkaka-boyfriend na nga siya, di ba? Siyempre nasa akin na ‘yon, ako na ‘yung gagawa ng paraan para lumayo,”ayon kay Zanjoe.

Inamin din ng actor-model na special para sa kanya si Mariel pero sa ngayon daw ay talagang magkaibigan silang dalawa ng magandang TV host.

So there…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: