Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

11 NAPISAK SA KILLER TRUCK

LABING-ISA ang namatay, kabilang na ang sampung kabataang kapapa-rehistro pa lamang bilang botante para sa nalalapit na Sangguniang Kabataan at barangay elections, ang namatay at 13 ang nasugatan nang mapisak sila ng isang tumaob na dump truck malapit sa Calbayog City kamakalawa ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat kahapon, ang driver ng truck na kinilalang si Fernan Raeba, 28, ay umamin na nakainom umano, ngunit tumangging sabihing lasing siya nang maganap ang insidente mala-pit lamang sa lungsod ng Calbayog.

Napag-alaman na siyam na kabataan ang agad namatay sa lugar na pinangyarihan ng insidente, habang ang pang-sampung biktima na naka-sakay sa “habal-habal” na kini-lalang si Amparo Lagrimas, 60, ay binawian naman ng buhay makalipas lamang ang ilang sandali.

Ngunit umabot sa labing-isa ang sinasabing namatay nang isa pang estudyante na si Sandy Ortega, 15, ay pumanaw na rin dakong alas-2 ng madaling araw kahapon dahil sa mga tinamong sugat kaugnay ng pagkakadagan ng truck sa kanila.

Batay sa inisyal na imbes-tigasyon, tumaob ang dump truck na minamaneho ni Raeba nang mabundol nito ang isang “habal-habal” sa kahabaan ng highway na malapit sa Calbayog.

Napag-alaman na nawalan ng kontrol ang truck ni Raeba matapos umano nitong tapakan ang preno ng kanyang mina-manehong sasakyan at tuluyan nang tumaob sa kinaroroonan ng mga batang papauwi na sana.

Nang tumaob ang truck ay sinasabing agad nadaganan ang mga biktima, habang ang iba pa ay tumilapon ng ilang kilometro mula sa kinabagsakan ng naturang sasakyan. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: