Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

WTJ 3-Cock derby sa Makati coliseum

Ni Galman

NARITO mga kasabong at siguradong dito ang lahat nakasentro ang atensyon ng mga karantso natin dahil ilalarga ngayon ang nag-iisang derby sa buong Metro Manila. Sa Makati Coliseum ang puntahan ng mga aficionado dahil sa bibitiwang WTJ 3-Cock derby.

Nakalinya rito ang 56 sultada at inisponsoran ito ng B-Meg Derby Ace at Gran Matador.
Ito bale ang una sa tatlong 3-Cock derbies ng Makati Coliseum. Nakalinya kasi ito sa mga petsa ng ika-23 at ika-30 ng Hulyo gayundin sa Agosto 6. May nakalaang garantisadong papremyong P300,000 at ang entry rito ay P8,800.

Mga pandiin na mga manok ang isasabak ngayon nina Jun Pascual, Emil Chua, Sandy Sur, Pete Ison, Ramon Revilla, Edmund Yasay, Obet Son, Efren Canlas, Louie Cua, Richard Bates, Willie Villarica, William Co, Butchoy Olano, Philip Chiongbian, John Capinpin, Jun Manguera, Joey Lapid, Madlambayan Brothers at iba pa.

At sa araw ding ito uumpisahan ang screening ng mga stags para sa nalalapit na Richard L. Bates 7-Stag derby. Ito ay isasagawa ng WTJ sSports and Amusement Corporation at ang mga promoters na sina Lito Orillaza, Rudy Salud at William Co.

Ang taunang paderbing ito ni Bates ay nakatakda sa Agosto 27 at 29. Para sa iba pa ninyong kaalaman, tumawag sa 824-0237 at 0916-7238412 at nahapin si Mrs. Verna Bates.

10:00 ng umaga ang rambulan sa SJC

Sa mas maagang oras na alas-10 ng umaga ang magiging simula ng aksyon sa gaganaping Rambulan 6-Cock derby bukas sa San Juan Coliseum. Ito ay dahil na rin sa napakaraming sultada ang nakalinya.

Matapos nga ang anim na araw na siyapulan, mayroong 56 entries na ang nakakamada ng tig-dalawang panalo. Samantalang 14 naman ang humirit ng 1.5 na puntos.

Sa estimasyon ni pit manager Renatio Shio ay mahigit sa 140 sultada ang bibitiwan bukas. Ipinapaabiso sa mga kasali na ang pagsusumite ng timbang ay hanggang sa ika-9 ng gabi ngayon.

Sa Huwebes, Hulyo 26, ay mayroon din ditong Special 4-Cock derby. Ang premyo nito ay P300,000. At ang mamamahala naman ay sina Capt. Cesar Sto. Domingo. Nakalinya rin dito ang SJC Fastest Win event sa Hulyo 28.

Tribute to Dennis sa Cainta cockpit

Pangungunahan nina Sam Mendoza at Ronnie Lacsina ang isang 3-Cocker bilang Tribute to Dennis Santillan dito sa Cainta Fair Center Coliseum sa darating na Biyernes, Hulyo 27.

Isang sabungerong kaibigan, si Santillan na isang regular derbyist sa CFCC na kilala sa entry name na “This Is It” ay sumakabilang buhay kamakailan. Binawian siya ng buhay habang inaasikaso ang kanyang mga panabong na manok.

Bilang mga hosts, sinabi nina Mendoza at Lacsina na ipamamahagi sa pamilya ni Santillan ang kikitain sa pasabong. Ang derby ay may cash prize na P300,000 samantalang P5,500 lamang ang entry fee.

At nag-umpisa nang dumagsa ang mga nagnanais sumali sa CFCC’s Stagwars 5-Stag derby na nakatakda sa Agosto 24, 27, 29, 31 gayundin sa mga petsa ng ika-3, ika-5 at ika-7 ng Setyembre.

Tuluy-tuloy pa rin ang screening ng mga stags na isasali. Mangyaring tumawag ang mga interesado sa 655-3334; 0918-9001411 kay Ronnie Lacsina o 0918-9211151.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: