Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

Sikat ang Bench, at pati na rin

Ni Benjie Felipe

ANG Bench ay sikat, kaya ang mga endorser nila ay mga sikat rin. Nagkakatulungan nga dahil habang dinadala ng star ang pangalan ng produkto, nadadala rin ng kompanya ni Mr. Ben Chan sa mataas na antas ang estado ng endorser nilang kadalasan ay artista. Ang exception rito ay si Richard Gomez dahil Goma na siya wala pang big name ang Bench noon. Si Goma ang nagdala sa kompanya ni Tito Ben sa tuktok ‘ika nga.

Kaya ang tanong namin kay Tito Ben, bakit siya nag-isip ng model search sa TV samantalang kayrami namang stars na uubra para maging endorser nila at very effective naman ang ganitong strategy? Sabi niya two years ago pa niya gustong maghanap ng mga bagong mukha na babagay sa mga bagong produkto na gusto niyang ilunsad. Dahil uso naman ang reality shows, itinuloy na niya ang konseptong sa TV idaan ang model search na ‘Be Bench.’

Sa mahigit isang libo raw na nakapasa sa screening, halos mahilo si Tito Ben sa kapipili dahil andaming puwede talaga. Pero kailangang ma-trim to 30 contestants composed of male and female ang ihaharap sa telebisyon kaya alaws silang choice kundi magtanggal ng maraming deserving.

“Pero may natanggal na pinatatawag ko rin dahil may product pa rin na kaya nilang i-endorse. Ngayon sa 30 contestants dito, lalo kaming nahihirapan. Of course may mga choices na ako kaya lang, kapag iba ang okasyon na nakikita ko sila, nag-iiba rin ang tingin ko sa kanila. Ganu’n eh,” sabi nito na hirap sa pagpili.

Isa raw siya sa magiging judges sa show na ipalalabas pero ang ilang sikat na endorsers ng Bench ay magiging official judges din sa finals kung saan dalawa lang ang magwawagi, isang bebotski at isang kelots.

Kaiba sa “Philippines Next Top Model: ni Ruffa Gutierrez sa RPN-9, ang show ng Bench ay may kalalakihan kaya mas may dynamics sa ating panonood. Tingnan natin kung may interes na nga talaga ang masang Pinoy sa ganitong uri ng panoorin na kung tutuusin ay pang-high end dahil fashion ang paksa.

* * *

Maganda ang pagsasama nina Sarah Geronimo, Maja Salvador at Katlyn Gonzaga (Utol ni Toni G.) sa pinakabagong obra ni Direk Erick Salud sa ABS-CBN na “Pangarap Kong Bitin.” Panahon na para mamayagpag si MajaBabes na matagal na rin namang makabuo ng milyong fans sa hanay ng mga utoy at ineng natin. Hinog na rin si Kat dahil nasanay na ito sa mga bagets roles na naibigay sa kanya mula nang mapasali ito sa “Tara Lets.” Siyempre pa, sa “Bituing Walang Ningning” talaga nahubog bilang isang tunay na aktres si SarahBabes. Kaya nga casting coup ang “Pangarap…” na isang sineserye na muling aantig sa lahat ng mga tsongkibabes at tsangkibabes nating manonood ng ganitong genre.

 

* * *

Isa pang malapit na ring mapanood ay ang “Lastikman” na obra sa komiks ng yumaong nobelista at debuhistang si Mars Ravelo. Si Vhong Navarro ang bida rito kaya tiyak na patok na patok na naman ito lalo na sa kabataan. Mula sa tatlong batikang direktor na sina Chito Rono, Jerome Pobocan at Tots Mariscal, ang fantaseryeng ito ay magtatampok rin sa mga betarano na gaya nina Tonton Gutierrez at Gloria Romero. Nagbabalik sa telebisyon bilang aktres sina Carmi Martin at Dawn Zulueta sa pinakabagong kagigiliwang palabas na ito sa primetime bida sa ABS-CBN.

Abangan…

* * *

Inalam namin kay Kim Chiu kung ano ang tunay niyang reaksiyon sa dalawang ulit na pagsasabi ni Gerald Anderson ng “I Love You” sa kanya sa harap ng kamera?

“Wala lang,” jahi pa siya nang sumagot.

Kaya nangulit si Tsongkibenj at inusisa kung napi-feel ba ni KimmyBabes ang pagtatapat ng Fil-Am ng damdamin nito. Ngiti lang ang tugon ng Cebuanang Tsinita. Kaya sabi namin baka dehins niya nadarama ang sincerity ni Gerald.

love team kim and gerald

Doon na nangialam ang Fil-am. Sabi nito, “Uy, sinasabi ko rin naman ‘yan kahit wala sa TV di ba?” Yun lang at tipong kinilig si Kim nang hapong iyon.

Kuwento ng PBB Teen winner, ang most memorable moment sa kanya ngayon ay ang pagsakay sa mabibilis na sasakyan. Kasi galing sila ni Gerald sa US at first time ni Kim roon. Dinala siya ng Fil-Am sa Disneyland at Universal Studios at lahat ng rides na kinatatakutan ni Kim ay sinamahan siya ng ka-love team para masubukan niya rin ang excitement.

“Kahit takot ako, sinubukan ko po kasi sinamahan niya ako sa lahat ng rides, eh. Ang sarap pala. Kahit mabilis, enjoy kami sa rides,” ayon pa sa dalagita.

Antamis!

Pero ayaw pa rin ni KimmyBabes na tiyaking mahal na nga niya si Gerald dahil ang nakikita raw niya sa kabataang ta-artits ngayon na nag-iibigan, naaapektuhan ang career kapag nag-aaway o naghihiwalay na.

“Saka ayaw pa talaga ng Dad ko na ma-in love ako,” pag-tatapos ni Kim Chiu.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: