Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

PHIVOLCS: SIRANG GUSALI LISANIN

NAGBABALA kahapon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga mamamayan na lumisan na sa mga depektibong gusali, partikular na sa mga naninirahan sa Southern Leyte na tinamaan ng malakas na lindol nitong nakaraang Huwebes, dahil maaring gumuho ang mga ito kung muling magkakaroon ng paglindol.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga mamamayan sa Southern Leyte na maging maingat dahil sa posibleng pagkakaroon ng “aftershocks” sa mga darating na araw.

“From the Southern Leyte segment of the Philippine fault, the quakes appear to be moving northward. The fault is moving. We advise residents not to use buildings that sustained cracks and damages,” ani Phivolcs director Renato Solidum Jr. sa isang panayam na isinagawa ng isang istasyon ng radyo.

Sinabi pa ni Solidum na dapat ay lalo pang mag-ingat ang mga mamamayan sa bayan ng Hinunangan sa Southern Leyte dahil may mga gusaling nagkaroon ng “crack” habang ang ibang bahay doon ay nagkaroon din ng pinsala dahil sa lindol na may lakas na Intensity VI na tumama sa naturang lugar.

“Areas where people converge should not be used if they sustained cracks. Engineers should examine them soonest,” iginiit pa ni Solidum.

Ngunit nagpahayag din ng kalungkutan si Solidum dahil kadalasan ay maraming residente na napinsala ang kani-kanilang mga bahay ang ayaw magsilikas dahil naaapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, nanawagan ang Phivolcs sa mga lokal na pamahalaan na repasuhin ang kanilng mga plano para matugunan ang mga maaring mangyari kapag lumindol, at magsagawa na rin ng information campaign para maipabatid sa mga mamamayan ang tamang alituntunin sa mga ganitong pagkakataon. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: