Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

Gitgitan sa pagtatapos ng voter’s registration

GITGITAN sa mahabang pilahan at paghingi ng “extension” ang naging kapuna-puna sa pagtatapos kahapon ng rehistrasyon ng mga botante para sa gaganaping eleksyon ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at barangay sa Oktubre 29.

Karamihan sa mga nagpapa-rehistro ay nagreklamo dahil kailangan nilang pumila kahit sa kalagitnaan ng init ng araw at umano’y mabagal na proseso ng Commission on Elections (Comelec).

Napaulat pa na ang ilang residente sa Naga City sa Bicol ay kinailangan pang pumila simula nitong Sabado ng gabi matapos silang hindi makapag-parehistro sa oras nang araw na ‘yon.

“Kagabi pa kami nandiyan. Nagsimula kaming pumila mula 8 a.m. hanggang 8 p.m. Sana ay magkaroon pa ng extension para dito,” ayon sa isang mamamayan.

Sa tanggapan naman ng Comelec sa Intramuros, Maynila, napag-alaman na mahigit 5,000 mga mamamayan ang pumila na doon kahapon pa ng umaga para maka-abot sa deadline.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: