Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

Gabay ng mga Bituin (July 23, 2007)

Ni Madame Gwen

ARIES (Mar.21 – Abril 19) Manangan sa iyong tapang. Walang mangyayari kung kahinaan ng loob ang paiiralin, sayang ang oportunidad kung iyong palalampasin. Masuwerteng kulay – red. Masuwerteng numero – 2, 8, 10, 26, 32, 40.

TAURUS (Abr. 20 – Mayo 20) Huwag masyadong umasa sa pangako ng iyong mahal. Maaaring masira ito dahil sa hindi niya inaasahang situwasyon. Masuwerteng kulay – cream. Masuwerteng numero – 2, 10, 19, 27, 31, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pagtuunan ng pansin ang bagong proyekto. Marami kang matututunan ditto. Masuwerteng kulay – black. Masuwerteng numero – 6, 17, 23, 31, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 21) Masuwerte ka ngayon kaya’t isagawa ang lahat ng plano. Lahat ng lakad ay magiging positibo ang resulta. Masuwerteng kulay – green. Masuwerteng numero – 9, 15, 19, 35, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 23) Sumama sa mga kaibigang malalakas ang loob at may matatag na personalidad. Nang sa gayon ay mahigop mo ang kanilang suwerte at katapangan. Masuwerteng kulay – pink. Masuwerteng numero – 2, 17, 24, 31, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – September 23) Huwag na huwag lalabis. Tiyak ang kapahamakan mo kung maghahangad ng sobra-sobra. Masuwerteng kulay – white. Masuwerteng numero – 1, 13, 19, 26, 31, 41.

LIBRA (Sept. 24 – Okt. 23) Maaari ka pa ring masaya kahit nag-iisa ka ngayon. Maging positibo lamang ang pag-iisip. Masuwerteng kulay –violet. Masuwerteng numero 4, 10, 13, 25, 33, 43.

SCORPIO (Okt. 24 – Nob. 22) Isa ka sa pinakasuwerteng nilalang ngayon. Matutupad ang lahat ng nais mong maganap sa iyong buhay. Masuwerteng kulay – yellow. Masuwerteng numero 1, 9, 16, 26, 34, 41.

SAGITTARIUS ( Nob. 23 – Dis. 21) Pagkatiwalaan mo ang isang tao sa ibibigay mong proyekto. Huwag siyang maliitin, makikita mo sa bandang huli matagumpay niya itong matatapos. Masuwerteng kulay – beige. Masuwerteng numero – 1, 9, 13, 19, 27, 42.

CAPRICORN (Dis. 22 – Enero 19) Huwag magtampo kapag pinagsasabihan ka ng matatanda. Nais nilang umasenso ka at may marating sa buhay. Masuwerteng kulay – blue. Masuwerteng numero 4, 19, 21, 29, 36, 45.

AQUARIUS (Enero 20 –Peb. 18) Ibigay ang lahat ng nalalaman at galing sa kasalukuyan mong proyekto. Ditto ka aasenso. Masuwerteng kulay – white. Masuwerteng numero – 6, 15, 23, 31, 42, 45.

PISCES (Peb. 19 – Marso 20) Bawasan ang pagiging madakdak. Ito ang iyong ikapapahamak kung hindi kokontrolin ang sarili. Masuwerteng kulay – yellow. Masuwerteng numero – 4, 9, 13, 29, 31, 41.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: