Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

Finally, magiging pang-Hollywood na si Iza Calzado

Ni Ruel Mendoza

Hindi ma-express ni Iza Calzado ang kanyang kasiyahan dahil siya nga ang napili para i-reprise ang kanyang original role as Anna, ang nagmumultong asawa ng isang mabangis na pulis sa Hollywood version ng horror film na Sigaw. Ang magiging English title nito ay The Echo.

Si Yam Laranas pa rin ang magdidirek ng Hollywood version nito at bukod kay Iza, ang Hollywood hunk na si Jessie Bradford ang gaganap sa role na Marvin na originally ay ginampanan ni Richard Gutierrez.

Natutuwa si Iza dahil pinagdasal daw niya na sana ay pagbigyan siya ng Diyos sa kanyang mumunting hiling na kung puwede ay siya pa rin ang gumanap sa role niya as Anna sa The Echo. Chance na kasi niyang makagawa ng isang Hollywood movie.

Iza Calzado

“It was really unexpected and I was shocked kasi nalaman ko lang the other day,” sey ni Iza. “Tinawagan ako ni Direk Yam and he said that I passed the audition and ako na ang gaganap as Anna sa The Echo. Akala ko ay nagbibiro siya pero totoo nga and I was so happy. I was speechless nga for a few seconds. I was truly happy about the news.”

Nag-audition nga si Iza via sa Internet na lang. Wala siyang pagkakataon na lumipad patungong Hollywood para sa actual audition for the role of Anna dahil sa taping niya ng Impostora. Pinadala na lang ang kanyang audition piece via Internet video and instantly ay nagustuhan siya ng mga producers.

“Thanks a lot for advance technology, ‘di ba?” ngiti ni Iza. “If it wasn’t for the Internet, baka wala na akong chance talaga to play my role in The Echo. Noong tinanong nga ako kung sinong Hollywood actress ang gusto ko to play my role, wala akong ma-mention dahil gusto ko nga na ako ang gaganap. Nag-dilang anghel lang siguro ako kaya nakuha ko ang part na iyon.”

Kung matatandaan ay nanalo si Iza bilang best supporting actress para sa pelikulang Sigaw sa 2005 Gawad Urian. Ang simula ng shooting ni Iza for The Echo ay sa August at sa Canada magaganap ang location shoot for the movie.

Masaya nga ang GMA-7 sa magandang opportunity na dumating kay Iza kaya all-out ang support nila rito. Hindi raw magiging hadlang ang taping ng Impostora sa paggawa niya ng The Echo sa ibang bansa.

“When we start kasi, may Impostora pa, kaya GMA-7 will arrange the schedules for me para hindi ako mahirapan. I’m happy that GMA-7 is supporting me all the way. Para sa akin, triumph ito para sa mga local actors natin. Kaya nating ma-penetrate ang tulad ng Hollywood if we believe that we can.”

Sa pelikulang ngang Ouija ay muling magpakita ng kahusayan sa pag-arte si Iza. Bukod sa kanyang acting talent, kay ganda-ganda pa niya sa big screen.

* * *

May tinatago bang relasyon sila Karel Marquez at ang commercial model na si Will Devaughn?

Marami nga ang nakakitang nagde-date ang dalawa sa isang gimikan sa may Serendra in Fort Bonifacio.

Namataan din sila minsan na nasa isang restaurant sa Eastwood City, Libis. Sey ng mga nakakita sa dalawa na mukhang may relasyon sila dahil panay daw ang holding hands nila at pabulung-bulong pa raw itong si Will parati kay Karel.

Kung matatandaan ay naging masugid na manliligaw ni Karel ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez. Pero hindi nga ito sinagot ni Karel dahil may nalaman daw itong hindi magandang ginawa ni Jeremy. Sayang at sasagutin pa naman daw niya sana ito. Pahayag ito ni Karel noong nakaraang Kapusolympics ng GMA-7.

Ilang weeks lang ang nakaraan at nakita na siyang kasama ang model na si Will na nakilala dahil sa TV commercial niya for McDonalds. Matagal nang male model si Will at ilang beses na siyang nai-feature sa Cosmopolitan Bachelors. Nali-link naman si Will sa Viva Hot Babes na si Gwen Garci.

Mahihirapan siguro ang sinumang gustong pagsamahin sa iisang interview sina Karel at Will dahil nasa magkaibang TV stations sila. Kapuso talent na nga si Karel samantalang si Will ay nasa bakuran ng ABS-CBN 2 dahil isa siya sa judges ng isang reality search doon.
Hintayin na lang natin kung may aami-nin ang dalawa o ba-ka naman i-deny nila na may relasyon sila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: