Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

CHR magpapakalat ng monitoring team ngayong SONA

DAHIL sa inaa-sahang paghaharap ng mga magsasaga-wa ng kilos-protesta at mga elemento ng pulis at militar, inihayag kahapon ng Commission on Human Rights (CHR) na magpapakalat ito ng ilang “monitoring teams” para mag-matyag sa mga maa-aring maganap na insidente ngayong araw habang isinasagawa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi kahapon ni CHR chairman Purificacion Quisumbing na inatasan na niya ang mga ipakakalat na CHR monitoring team na maging alerto para makita kung magkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao sakaling magkakaroon ng marahas na kompruntasyon sa pagitan ng mga militanteng grupo at kapulisan.

Aniya, ang pagpapakalat ng monitoring teams ay hindi na bago para sa CHR dahil isinagawa na nila ito noong mga nakaraang pagkakaroon ng kilos-protesta.

Napag-alaman na madaling makilala ang mga CHR teams dahil sa kanilang suot na uniporme, at may mga dala pa silang video at still cameras para makunan ang mga posibleng magaganap na pagsasagupa sa pagitan ng mga militanteng grupo at tauhan ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Quisumbing na ang mga CHR teams ay ikakalat sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan magtitipon-tipon ang iba’t ibang militanteng grupo, mga supporters ni dating Pangulong Joseph Estrada, at mga kakampi ni Pangulong Arroyo.

Nauna rito, sinabi ng Philippine National Police na magtatalaga sila ng aabot sa 9,000 namga pulis sa paligid ng Batasan Complex kung saan isasagawa ng Pangulo ang kanyang SONA, habang ang militar naman ay nagsabing magpapadala rin ng 10 anti-riot teams sa naturang lugar ngayong araw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: