Posted by: thecommuterexpress | July 23, 2007

2 bata, bumbero nasugatan sa iskul na nasunog

DALAWANG bata at isang fire volunteer ang nasugatan matapos lamunin ng apoy ang isang elementary school sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat ng mga arson investigator, tinupok ng apoy ang gusali na kinalalagyan ng library, museum at records section ng F. Balagtas Elementary School sa Sta. Cruz.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog dakong 12:35 ng tanghali, at madaling umabot sa “fifth alarm” dahil naubusan umano ng tubig ang mga bumberong rumisponde sa naturang insidente.

Dahil sa pagkakatupok ng nabanggit na paaralan ay wala nang nagawa ang school principal na si Dorothy Suarez kung di mapaiyak na lamang dahil nadamay pa ang records ng mahigit 3,000 mga kabataang nagsisipag-aral doon, pati na mga alumni records.

Batay naman sa inisyal na ulat, dalawang hindi pa nakikilang bata ang nasugatan matapos silang mabundol umano ng isang fire truck na rumisponde sa sunog, samantalang ang isang babaeng fire volunteer ay nasugatan din nang mabagsakan ito ng nasusunog na materyales na mula sa natutupok na gusali ng paaralan.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad upang tukuyin ang pinagsimulan ng apoy na mistulang lumamon sa F. Balagtas Elementary School.
Nauna rito, tinupok din ng apoy ang isang pampublikong palengke sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa inisyal na ulat, inabot ng mahigit dalawang oras bago naapula ng mga rumispondeng bumbero ang sunog na nagsimula dakong ala-una ng madaling araw.
Ayon naman sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na electrical short circuit ang tumupok sa naturang bagong pamilihang bayan.


Responses

  1. […] na tumupok sa gusali ng F. Balagtas Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng tanghali. (Basahin ang balita) VIC […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: